Chapter 23

98 12 5
                                    

Moonstone pack was on the other end of the tunnel, waiting for their Luna. Everyone was hoping that she's still alive.

Xandrix came first, it was only four o'clock in the morning but he's already awake. Well, not really. Dalawang araw na kasi siyang walang maayos na tulog. He keeps on worrying about Scarlet.

Hindi mapuknat ang kaniyang tingin sa bukana ng tunnel. Ilang minuto pa Ang lumipas bumukas ang pinto at lumuwas ang isang pigura ng babae. Si Scarlet. Kaagad na tumakbo siya palapit sa dalaga.

Hindi pa man siya nakakalapit ay nanghihinang napahandusay ito sa damuhan.

Nang makalapit siya rito doon niya lamang nakita ang napakaraming hiwa sa balat nito. Warak-warak ang kasuotan at puno ng dugo ang katawan.

Dali-dali niya itong binuhat at dinala sa infirmary. Mabilis naman ang naging kilos ng mga nurse at doktor sa paggagamot sa kanilang Luna. Sigurado silang gawa ng silver ang mga hiwa sa katawan ng Luna dahil hindi pa rin ito humihilom.

Kaagad na tinanong niya ang doctor sa kalagayan ng kabiyak nang lumabas ito sa ER.

"Yancy, kamusta siya?"

"Her vitals are stable but still wounded," sabi ng doktora sa kapatid. "Puno ng sugat ang katawan ni Scarlet at lahat iyon ay gawa ng silver."

Nagsalubong ang mga kilay ni Xandrix saa sinabing iyon ni Yancy. "Silver?"

Tumango si Yancy. "Seeing her wound parang nakokonsensya akong nilagay natin siya sa ganoong lugar." She sighed heavily. "Anyway, you can visit her now. Nasa private room na siya, but she's still unconscious."

"Kailan naman siya magigising?" tanong niya.

"We don't know. Just let her rest," sagot nito.

Nagpaalam naman siya sa kapatid saka nagmamadaling tinungo ang kwarto kung nasaan si Scarlet.

Pagkabukas niya ng pinto parang mas lalong bumigat ang pakiramdam niya.
Parang gusto niyang pagsusuntukin ang sarili dahil sa nangyari sa kabiyak. Nasasaktan siyang makita ito sa ganitong sitwasyon. Puno ng hiwa ang katawan nito at hindi iyon madaling naghihilom.

Maingat na hinawakan niya ang kamay nitong may mga gasgas rin. Tama nga si Yancy dapat hindi na lang nila ginawang ilagay sa tunnel na iyon ang kaniyang mate. Pero wala siyang magagawa sa tradisyon ng pack.

"Please be well, babe, I miss you," aniya habang masuyong nakatingin sa payapang pagtulog nito.

A few hours later, naalimpungatan siya ng maramdaman niya ang paggalaw sa kaniyang tabi. Namumungay ang mga matang inangat niya ang kaniyang mukha at nakasalubong ang asul na mga mata ng kabiyak. Ilang segundo rin siyang nakatulala dito dahil parang nakalimutan ng utak niyang mag-isip. Kung hindi pa nito hinigpitan ang pagkakahawak nito sa kaliwang kamay niya na nakahawak sa kamay nito hindi pa sana siya makakakibo.

Masayang niyakap niya agad ang dalaga na napaigik naman dito. "Aray, Drix. Let me go!"

Natataranta namang napahiwalay siya sa kaniyang mate at paulit-ulit na humingi ng sorry. "I'm sorry, hindi ko sinasadya nadala lang ako ng pagkamiss sa 'yo."

Later on, her frowned face softened hearing that from Xandrix. Matamang nakatitig siya sa binata at pansin niya ang pangingitim sa ibaba ng mga mata nito. She tried to reach his face. Nang makita nito ang ginagawa niya ay ito na mismo ang naglapit ng mukha nito sa kamay niya.

"H-hindi ka ba n-natutulog?" utal niyang tanong sa binata. Nahihirapan pa siyang magsalita sa dami ng dugong nawala sa kaniya kaya nanghihina pa rin ang katawan niya.

MOONSTONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon