Chapter 20

109 9 4
                                    

Napahilot ng kaniyang sentido si Xandrix habang nasa harap ng kaniyang computer. He hasn't been sleeping well for almost a week. Hindi kasi siya mapalagay kapag hindi siya ang gumawa nito. Ayaw niyang may makaalam. Hangga't maaari kailangan niya munang itago ang bagay na ito sa lahat. Ayaw niyang magkagulo.

Napaangat ang tingin niya sa pinto ng opisina niya nang may kumatok doon. His eyes landed on Yancy na nakasungaw ang ulo sa pinto.

"Puweding pumasok?" tanong ng kapatid. Tinanguan niya lang ito saka pagod na inihilig ang ulo sa likod ng kaniyang leather seat.

"You haven't been sleeping, brother," puna nito sa kaniya.

Napabuga siya ng hininga saka tiningnan ang kapatid. "Iniisip mo rin ba ang sinabi ni elder Elmar?" tanong nito pagkaraan na 'di siya nagsalita.

"Do you believe him?" pabalik naman niyang tanong dito.

"I don't know," His sister breathes out. "..but w-what if it's true?"

Nahigit niya ang hininga sa sinabing iyon ni Yancy. Hindi pa man siya nakakapagsalita nang muli itong nagtanong.

"Paano kung papunta na siya rito para.." napulunok ito. "para p-patayin--"

"Stop it, Yancy! That's not going to happen!" hindi niya napigilang magtaas ng boses. His livid. Ayaw niyang makarinig ng ganoon. Hindi siya papayag.

"I'm sorry," paumanhin niya sa kapatid na natigilan at bakas ang takot sa mukha. Nakonsensya siya sa nagawa kahit si Thalos ay gano'n din. They love their sister and shouting at her is a mistake. "Hali ka na, ihahatid na kita sa kwarto mo."

Inihatid niya ang kapatid sa kwarto nito at habang nasa daan ay naging tahimik silang pareho. Nang nasa harapan na sila ng pinto ng kwarto ni Yancy ay pumihit ito paharap sa kaniya at niyakap siya.

"I'm scared, kuya," hikbi ng dalaga.

Napayakap na rin siya sa kapatid. Kahit siya ay nakararamdam ng takot para sa mga minamahal niya.

"We'll get through this," aniya, pero kahit siya hindi sigurado kung makakayanan nila...niya.

Nang makapasok si Yancy sa kwarto nito ay nagtungo naman siya sa kwarto niya na kwarto na nila ng mate niya. Speaking of mate, he still hasn't talk to her. He's guilty and afraid. He misses her but he can't just watch and relax while there's something going on. He can't tell her baka ito pa ang maging dahilan para iwan siya nito.

He slowly turned the door's knob and pushed it quietly. He tip toed as he went inside and close the door, again slowly. When he turned, a breathtaking sight of his mate on the terrace welcomed his eyes. Nakatalikod ito sa kaniya habang nakatingala sa langit. Ang kulay amarilyo nitong buhok ay nililipad ng hangin at parang lumiliwanag ang maputi nitong balat dahil sa liwanag na nagmumula sa buwan.

Dahan-dahan siyang lumapit sa dalaga. He snaked his arms around her waist and sniffed her scent. Nakaramdam siya ng kaginhawaan at kapanatagan sa simpleng yakap niya lang dito.

"Kung ayaw mong sabihin ang problema mo maiintindihan ko," pagbabasag nito ng katahimikan. Parang may pumiga sa puso niya nang lumayo ito sa kaniya. Matiim siyang tinitigan nito. Mata sa mata. "Pero sa ipanapakita mo sa akin, minsan naisip kong mahalaga pa bang narito pa ako?"

Nahigit niya ang kaniyang hininga kasabay ng pagkirot ng kaniyang puso sa huling sinabi nito. Natatarantang hinawakan niya ang mga kamay nito puno ng sakit at pagmamakaawa ang mga matang tinitigan ito.

"No, babe. H'wag mong sabihin 'yan. You're worth it, okay?" Hinila niya ito at niyakap ng mahigpit. "I'm sorry, Scar. I admit I lied. Totoong may problema ako and I am so insensitive of not telling you. Saka ang pansamantala kong paglayo ko sa 'yo na dapat hindi ko ginawa." Isinubsob niya ang kaniyang mukha sa leeg nito. "I'm sorry Please don't leave me."

MOONSTONEWhere stories live. Discover now