Chapter 3

264 20 20
                                    


Scarlet Haynes at the top!!

"Ito na ba lahat?"
"Oho, madam Z"

Ito ang kaniyang narinig ng magkamalay siya. Pinakiramdaman niya ang kaniyang sarili. Napaigik siya nang makaramdam ng kirot sa kaniyang palapulsuhan at sa kaniyang leeg. Parang may kung anong mainit doon na sumusunog sa kaniyang balat.

Unti-unti niyang iminulat ang kaniyang mga mata. Sinubukan niyang umupo kahit pa nga parang nanlalambot ang kaniyang mga buto. Napatungo siya para alamin kung bakit parang ang hirap nito iangat.

Nanlaki ang kaniyang mga mata at nagising sa pagkakatulog ang utak niya. Silver! Agad na umangat ang kaniyang tingin sa kaniyang paligid.

Napagtanto niyang nasa loob siya ng isang kulungan.

May iba pang mga babae ang naroroon sa ibang selda at katulad niya nakakadena rin. May mga pasa at mga tuyong dugo rin ang mga ito sa mga braso at mukha.

Shit! Where the heck am I?

Napabaling naman siya sa may pinto papasok sa kulungang kinalalagyan nila nang bumukas ito at pumasok ang isang matabang babae na sa tantya niya ay mga nasa kwarenta ang edad. May makapal itong make up habang nakasuot naman ito ng kulay pulang bestida.

"Mabuti naman at gising na kayong lahat" mataray na sabi nito habang tinitignan ang bawat selda. Saka bumaling sa dalawang babae na nasa gilid niya. "Paliguan niyo sila at damitan ng presentable" utos nito sa mga ito.

"Opo, madam Z" tugon naman no'ng dalawa.

"Bilisan niyo, maraming parokyano ang naghihintay" mataray pa ring sabi nito saka lumabas.

May mga kalalakihan na dumating. Inilabas sila ng mga ito sa kulungan. Inilibot niya ang kaniyang tingin bawat madadaanan nila. Kinakabisado niya ang lugar baka sakali makatakas siya. Nakapagtataka lang kung bakit kahit isang bintana ay wala siyang makita.

Makalipas ang ilang minutong paglalakad ay ipinasok sila sa isang kwarto na mamasa-masa pa ang sahig at sa gitna ng silid may isang malaking pabilog na parang isang swimming pool.

May mga babae ring naroon na mga nakasuot ng puting bestida.

Lumabas ang mga lalaki habang lumapit naman sa kanila ang mga babae at pilit na hinuhubad ang kanilang mga damit.

Naalarma naman siya sa ginagawa ng mga babae.

The hell!- she tried to talk pero hangin lamang ang lumabas sa kaniyang bibig.

Shit!

Ngayon niya lang napansin na may nakakabit rin palang kadena sa kaniyang leeg.

Umiiwas pa rin siya sa tangka ng babae na hubaran siya, mukhang nainis ito sa ginagawa niyang pag-iwas.

"Hinuhubaran kita para linisin ang katawan mo" mahinahong ngunit madiing sabi nito.

Why?- she tried to speak but then again she failed. Nakita yata ang pagtataka sa kaniyang mukha kaya nagpaliwanag ito.

"Dahil kung hindi, paparusahan ka at ako" wala na siyang nagawa nang tuluyang mahubad nito ang kaniyang pang-itaas.

Naiilang siya sa nangyayari dahil may nakakita sa kaniyang katawan kahit pa nga mga babae rin ito.

"Halika na" inakay siya nito papunta sa may pabilog.

Hinayaan niyang paliguan siya ng babae habang pinagmamasdan ang kaniyang mga kasama.

Walang emosyon ang mukha ng mga ito. Hindi rin ang mga ito kumikibo. Napasinghot siya sa hangin. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay. May naamoy kasi siyang kakaiba.

MOONSTONEWhere stories live. Discover now