Chapter 22

108 10 0
                                    

Palihim siyang nagtungo sa tunnel ng pagsubok para sa mga rogue na gustong sumapi sa pangkat ng Moonstone.

Isang napakalaking kalukuhan para sa kaniya ang ginawa ng dating Alpha. Ang paglikha ng isang lagusan para patunayan ang kalakasan ng isang lobo sa pack ay isang kawalang puso. Subalit wala siya pakialam. Ang tanging nais lamang niya ay maubos ang pangkat, magdusa ito at maghirap.

Nanginginig ang kaniyang katawan sa galit. Kinuyom niya ang kaniyang mga kamay at ipinikit ang mga mata.

Nang imulat niya ito ay biglang naging pula  ang nakikita niya sa paligid. Napangiti siya.

Oras na para maningil at uunahin niya ang babaeng itinakda.

"Hoc dicam animæ inclusi cuniculum possimus. Pro libertate et imperio obsequendum excitare."

...

One week passed like a blur. Hindi akalain ni Scarlet na parang isang kisap-mata lamang ang oras at nandito na sila sa bukana ng tunnel. Kasama niya roon sina Xandrix, Ralph, Yancy, Aurelia, Butler Johan at ang mga elder. Xandrix parents doesn't want to come and she accepts it. Hindi niya ugaling mamilit ng iba kaya nirerespeto niya ang kagustuhan ng mga ito.

Lumapit siya sa mga kaibigan at isa-isang niyakap ang mga ito.
"Take care," Yancy whispered in her ear.

"I will," she said.

"Please, come back safe," emosyonal namang wika ni Aurelia. She kisses the girl's cheek in reply.

Xandrix tried not to shed a tear in front of her, but she knows how worried he was. He looks so gay yet she still like that side of him very much. She flashes her once in a blue moon smile to assure her mate that she'll be okay.

"I'll see you in two days, mate," bulong niya rito habang yakap-yakap nila ang isa't isa.

Xandrix stayed quiet and inhaled her scent.

She doesn't like the feels this moment giving her. It feels like something not good is about to happen on her journey inside the tunnel.

"It's time," ani elder Elmar.

Wala nang nagawa si Xandrix kundi pakawalan si Scarlet. Binuksan ng mga elder ang pinto ng tunnel para kay Scarlet. Maliban sa bag nito na puno ng kagamitan na maaari nitong gamitin sa mga pagsubok at pagkain ay may flashlight din doon at extra batteries.

Niyakap ang braso niya ng kapatid. "Have faith in her, kuya. Malalagpasan niya ang mga pagsubok," pagpapagaan ng loob ni Yancy sa kapatid.

Ano pa nga ba ang magagawa niya kundi magtiwala rito at manalangin sa kaligtasan ng kabiyak.

Pagkapasok ni Scarlet sa tunnel unang bumungad sa kaniya ay kadiliman. Hindi na muna niya ginamit ang dala niyang flashlight. May kakayahan naman siyang makakita sa dilim.

Nagsimula siyang maglakad pero nagulat siya ng may palasong palapit sa kaniya. Mabuti na lang mabilis siyang nakaiwas. Napayuko siya para tingnan ang naapakan niya. Doon niya lang napansin ang sahig na binuo ng mga parisukat na semento at sa bawat parisukat may mga nakaukit na imahe.

"Lagi mong pipiliin ang buwan kaysa sa lobo, Luna," payo ni Dexon sa kaniya.

"Bakit?" takang tanong niya rito.

"Dahil sa buhay ng mga lobo ang buwan ang simbolo ng kalakasan," sagot naman sa kaniya nito.

Kaagad niyang inapakan ang parisukat na may nakaukit na bilog. Patuloy ang pag-apak niya sa sa hugis ng buwan hanggang makaabot siya sa dulo niyon.

MOONSTONEWhere stories live. Discover now