Chapter 7

205 17 37
                                    

"AAAHHH!" lahat ng nasa infirmary ay nagulat sa sigaw na iyon.

Nagmamadali namang tumakbo sina Xandrix, na kakagising lang, doon sa pinagmumulan ng sigaw.

Naabutan nila ang isang nurse sa labas ng isang kwarto na mukhang takot. Nakahawak ito sa kaniyang dibdib habang nakatingin sa loob ng silid. Sinundan naman nila ang direksyong tinitignan ng nurse.

"AAHH!" napatili rin sila ng makita ang isang babaeng nasa sahig at gumagapang.

Para ito 'yong nasa isang horror movie na multo na may mahabang buhok na tumatabing sa kaniyang mukha na nakasuot ng mahaba na puting bestida na dahan-dahang gumagapang papalapit sa kanila.

Nangatog naman ang kanilang mga tuhod ng marinig ang boses nitong parang nanggaling sa ilalim ng isang balon.

"T-tubig.."

"Naknamputcha!" Napatalon naman sila ng may sumigaw. Napatingin naman sila sa likod. Isang babaeng may blond na buhok na hanggang balikat at nakarobang pang-doktor ang nakatayo doon. Nakapamewang itong nakatingin sa kanila. "Ba't kayo nakaharang diyan?"

Nang walang sumagot ay tinabig niya ang mga ito saka pumasok sa kwarto.
"Ayy, putingina" napatili siya ng makita niya ang pasyente niyang nasa sahig at gumagapang. "Juskopo, anong ginagawa mo diyan?" lumuhod siya sa harap nito. Binalingan niya ang mga lalaking nasa may pintuan nakatayo at takot na nakatingin pa rin sa babaeng nasa sahig.

"Hoy, mga unggoy. Tutunganga na lang ba kayo diyan?" napapitlag na naman ang mga ito sa sigaw niya. "Ano na? Ilagay niyo siya sa kama, dali".

Imbis sundin ang utos niya ay natatakot na nagsitakbuhan ang mga ito paalis.

"KUYA, KAPAG DI KA BUMALIK DITO ILALAYO KO TALAGA SIYA SA 'YO" nawawalan ng pasensyang tili niya.

Parang magic namang nawala ang takot ni Xandrix sa sinabi ng kapatid at dali-daling bumalik sa kwarto at binuhat ang kaniyang mate na parang sadakong gumagapang sa sahig.

Napailing na lamang ang babae sa kapatid.
"Ang laking tao takot sa multo" bulong niya habang nakatingin sa dalawa.

Lumapit siya sa kama at chi-ne-ck ang mate ng kaniyang kapatid. Pagkatapos niyang masuri ang babae ay saka naman niya pinagtuonan ng pansin ang kapatid. Napabuga pa muna siya ng hangin bago niya ito kinausap.

"She's sleeping" Sabi niya rito. Napatingin ito sa kaniya.

"Oo, nakikita ko.--aray!" napahawak si Xandrix sa kaniyang braso na tinamaan ng clipboard na pinanghampas sa kaniya. "Ano ba? Ba't ka nanghahampas?"

"Namimilosopo ka kasi e".

"Wala kasing sense ang sinabi mo and duh, obvious kaya and Hello...may mata rin ako kaya nakikita ko" sarkastikong sambit niya rito.

"Che!" inirapan naman siya ng kapatid. "I got the result" tukoy niya sa test na ginawa nila sa babae. Nakapagtataka kasi kung bakit matagal ang paggaling ng mga sugat nito. With the consent from her brother, kumuha siya ng blood sample nito at kaniyang pinag-aralan. May ideya na siya kung bakit di nito mapahilom ang sugat samantalang madaling humilom iyon dahil sa uri nila.

Nakita niyang nagbago ang emosyon sa mukha ng kaniyang kuya. Nagsalubong ang mga kilay nito, naging matalim ang tingin nito at nakatiim bagang din ito.

Hindi na siya nagulat sa reaksyon nito.

"What is it?" nagngingit-ngit na tanong nito.

"There's an aconite in her blood" she said. Tama ang hinala niya na may lason sa katawan ng babae. Hindi niya lang malaman kung kailan nito nakuha iyon. Wolfsbane ang tawag ng karaniwan sa lasong ito. Habang aconitum napellus naman ang scientific name nito na pinaikli bilang aconite.

Maraming maaaring mangyari sa isang werewolf ng dahil sa wolfsbane. Depende sa dosage na ituturok o ipaaamoy sa isang werewolf. This can also cause a werewolf not to shift and worse it can kill them too.

"Matatagalan ba ang proseso para mawala ang lason?" tanong uli ni Xandrix habang nakatingin sa babaeng mahimbing na natutulog.

She sighed. She hug the clipboard she was holding.
"Hindi ko masasabi kung hanggang kailan bago maalis ang wolfsbane sa katawan niya. Maybe a week or at least a week".

Napabuntong hininga si Xandrix sa sinabi ng kapatid. Nagagalit siya sa mga gumawa nito sa babae pero mas naiinis siya sa kaniyang sarili dahil di man lang siya nakapaghiganti. He felt useless all of a sudden.

He can't stand seeing her unconscious and wounded in a week. It would probably kill him.

He's a brave man. He is known to be the great Alpha of Moonstone. He never felt weak. But now that his other half is here, laying on the bed, unconscious. He can't help but to feel vulnerable.

Pero hindi. Hindi siya dapat panghinaan ng loob. Kailangan siya nito ngayon.

Agad niyang iwanaksi ang panghihina at matapang na sinalubong ang mga mata ng kapatid.
"Okay. Do everything you have to do".

...

A week passed and finally her blood were clean. No more wolfsbane and as a result her wound starts to heal fast. Bumabalik na rin ang kulay sa balat nito. Mula kasi ng malaman nilang may lason sa katawan nito ay nagsimula na ring mamutla ang balat ng dalaga.

Sa buong linggo ay naroon si Xandrix para bantayan ang babae. Parang ang tagal ng isang linggo na paghihintay niya rito. Iyon ang pakiramdam niya. Hindi na siya makapaghintay na makausap ito.

"Close, open, close, open," pakanta-kanta niyang pinaglaruan ang mga daliri ng dalaga. Natutuwa siya sa mga boltaheng nararamdam niya habang makadikit ang kanilang mga balat at napapakalma rin siya nito. "Close, open, close, open--".

Napatigil siya nang gumalaw ang kamay nito na hawak niya. Napaangat ang kaniyang tingin sa mukha ng babae.

Natagpuan niya ang sariling nakikipagtitigan sa maladagat sa pagkaasul na mga mata nito.

Nakatitig ang namumungay nitong mga mata sa kaniya. Titig na titig ito sa kaniya na parang kinikilala siya. Hanggang sa dahan-dahang nanlaki ang mga ito.

Magsasalita na sana siya pero huli na siya sapagkat makalipas lamang ng ilang segundo ay natagpuan niya na lamang ang sariling nakaupo sa sahig habang hawak-hawak ang panga na sinuntok nito.

Damn, nasa outer space ba ako?

Ba't ang daming bituin?

______________________________

Too short. Hehe

MOONSTONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon