Chapter 8

195 15 23
                                    

"Close, open, close, open," naalimpungatan siya di lang dahil sa kuryenting nararamdaman niya kundi sa kantang kinakanta ng kung sino man.

Ba't ang ingay? Ang sakit sa tainga.

Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Itinagilid niya ang ulo para matignan ang bagay na naghahatid sa kaniya ng nakakakiliting pakiramdam na iyon. Nakita niyang may taong nakahawak doon kaya napaangat ang kaniyang paningin sa may-ari nito.

Pinagkatitigan niya ng mabuti ang lalaking nakaupo sa may gilid ng kama na kinahihigaan niya. Napatigil naman ito sa ginagawa nang igalaw niya ang kaniyang mga daliri. Umangat ang tingin nito sa kaniya.

Pamilyar sa kaniya ang mukha ng lalaki lalo na ang mga mata nito. Kaya naman pilit niyang hinahalukay sa kaniyang isip kung saan niya ba ito una nakita.

Nanlaki ang kaniyang mga mata ng tuluyang maalala kung bakit ito pamilyar sa kaniya. Naging mabilis ang  naging reaksyon ng katawan niya at umigkas agad ang kaniyang kamao dito. Nahulog ito sa upuan at napahawak sa nasaktang panga.

Dali-dali siyang umalis sa pagkakahiga at saka inalis ang IV na nakakabit sa kaniya.

"Y-You..." napalingon siya rito. Nakaturo ang isang daliri nito sa kaniya. "You...I can't believe it" di makapaniwalang nakatanga ito sa kaniya.

"Damn! Sinuntok mo na ako pero fuck, baby, you turned me on" kumikislap pa ang mga mata nitong sabi.

Nag-init ang ulo niya sa sinabi nito kaya naman sumampa siya sa kama at tinalunan ang lalaki.

Ayaw na ayaw niyang tinatawag siya ng isang lalaki ng baby. Nabu-bwesit siya sa endearment na 'yon. Nakakasuya, nakakayamot.

Nagulat man ay nasalo pa rin siya nito pero nawalan ito ng balanse kaya napahiga ito sa sahig kasama siya.

Malalakas na suntok ang kaniyang pinakawalan pero nasasalag naman nito o kaya naiiwasan. Mas lalo naman siyang nainis dito.

"Fuck," halos mapangiti siya ng marinig ang mahina nitong pagdaing ng mapatamaan niya. Halos. Dahil hindi pa siya kuntento.

Sige pa rin siya sa pagsuntok dito nang mahuli nito ang kaniyang mga kamay at sa isang iglap ay siya naman ang nakahiga sa sahig at ito nama'y nakakubabaw sa kaniya.

Nahigit niya ang kaniyang hininga ng inilapit nito ang mukha sa kaniya. Palakas ng palakas naman ang tibok ng puso niya sa sobrang lapit nito. Her breathing hitched with the proximity. Parang nawala ang inis niya at napalitan ng kakaibang pakiramdam na di niya mawari kung ano.

Ngiting tagumpay ang iginawad nito sa kaniya.
"Hello, mate".

"Oh, shit! My live show" pareho silang napatingin sa may pinto. Nasa may bukana nito ang isang babae at lalaki.

Nabalik naman ang kaniyang diwa doon niya napansin ang posisyon nilang dalawa.

"Aray!" sigaw ng lalaki nang malakas niyang iumpog ang noo sa noo nito.  Napalayo ito sa kaniya habang sapo-sapo ang noo. Kinuha naman niya ang pagkakataong iyon para tumayo at lumayo rito. Subali't ng makaramdam siya ulit ng inis dito ay walang paligoy-ligoy na pinagsisipa ito.

"What the heck?" di makapaniwala ang dalawa na nakasaksi sa ginawa niya. Awang ang mga labi at nanlalaki ang mga mata ng dalawa.

Naging alerto naman siya ng maalala ang dalawa na nasa may pinto pa rin.

"Who are you people?" she gasped when she heard her hoarse voice. "What the heck? Anong ginawa niyo sa'kin? Nasaan ako? Ba't ako nandito?" sunod-sunod niyang tanong sa mga ito.

MOONSTONEWhere stories live. Discover now