Chapter 16

106 11 0
                                    

"Eres, bilang iyong panginoon, inuutusan kitang patayin ang iyong kabiyak," sambit ng kaniyang panginoon.

Napabaling ang kaniyang ulo sa isang lobo na ngayon ay nakatali ang leeg na parang  aso. Hindi man ito makapagsalita ang mga mata naman nito ay puno ng lungkot at pighati. Subalit kahit kaunti ay hindi man lang naantig ang kaniyang puso.

Dahan-dahan ang kaniyang paghakbang sa kabiyak. Pinagmamasdan niya ito. Hindi niya ito kilala, wala siyang maalala kahit maramdaman ang kanilang koneksyon.

Malugod niyang isinakatuparan ang pagpatay sa sinasabi ng kaniyang panginoon na kaniyang kabiyak.

Wala siyang maramdamang sakit at paghihinagpis habang nakatingin sa unti-unting pagpikit ng mga mata nito.

Samantala, isang malahalimaw na halakhak ang umalpas mula sa kaniyang panginoon.

"Kawawang, Eres," napailing-iling ito habang nakatingin sa kaniyang alaga na walang kaalam-alam sa paglalaro niya.

...

"Hoy!" Nabibiglang napamulat siya sa boses na iyon.

Umalis siya sa pagkakayupyop sa mesa sa loob ng library. Tumingin siya sa kaniyang harapan.

"What?" asik niya kay Xandrix.

Nanlaki ang mga mata nito tila nabigla at napahawak pa sa kaniyang dibdib. Kunot-noo lamang pinanood ang pagdadrama ng kaharap.

"B-Bakit gan'yan ka sa akin? B-Binigay ko n-naman lahat ng kailangan mo. Sinabi ko naman lahat ah, kahit puri ko ay kaya kong ibigay sa 'yo. T-Tapos...gaganiyanin mo lang ako? M-Mate mo 'ko 'di ba?" anito sabay pagpupunas sa pisnge na akala mo naman may luha.

Yeah, about that mate thing. Finally, Xandrix explained everything. Hindi nga lang siya makapaniwalang may ganoon pala sa buhay ng mga taong-lobo. And there's also a goddess that who created werewolves. They call her moon goddess. Ayon rin kay Xandrix, ang diyosa mismo ang pumipili ng itatadhana sa mga lobo. Ang tanong, anong naisip ng diyosa ng nagdesisyon itong ipareha siya kay Xandrix.

He is nice, cute, handsome and a good person. Minus ang pagiging makulit nito. Kesa naman sa kaniya na walang nagawang mabuti sa mundo kundi ang magpasakit at pumatay ng tao.

Hindi napigilan ni Scarlet na mapaikot ang mga mata nang pinamungay nito ang mga mata.

"You're cute but you look like a retard," matapat niyang sabi sa lalaki.

Ngayon naman para na talaga itong nagulat sa sinabi niya.
"Babe! You shouldn't call your mate retard!"

Natawa siya bigla sa hitsura nito.

Napanguso ito na parang bata habang matalim ang tingin sa kaniya. Napatawa siya lalo.
"Scarlet!"

She raised both of her hands and tried to stop herself from laughing.
"I'm hot and handsome not a retard, hmp!"

Napailing-iling siya. Well, having Drix is not bad. She leaned forward when Xandrix is not looking and kissed his cheek.

"Yeah, and cute...but a retard," she said.

Hindi na niya hinintay makapagsalita si Xandrix at lumabas na doon sa library.

Habang naglalakad sa mahabang pasilyo, patingin-tingin naman siya sa mga larawan na nasa dingding. Mga ninuno yata ang mga ito ni Xandrix.

MOONSTONEWhere stories live. Discover now