Chapter 9

190 16 36
                                    

Hindi pa man sumisikat ang araw sa silangan ay nakahanda na siya sa pag-alis. Suot niya ngayon ang maluwag na t-shirt at black skinny jeans na binigay ni Yancy sa kaniya kagabi.

Pagkatapos niyang makapag-ayos ay agad siyang lumabas ng kwarto at nilakad ang pasilyo hanggang makarating sa may entrada ng ospital.

"Miss, sa'n ka pupumta?" napalingon siya sa kaniyang likod. Nakita niya ang isang nurse na nag-aalalang lumapit sa kaniya.

"Ahm, magpapahangin lang" pagsisinungaling niya.

"Naku po bawal pa po kayong maglalalabas hanggat wala pa si doktora. Lalakasan ko na lang po 'yung aircon sa kwarto niyo" magpoprotesta pa sana siya kaya lang mas mapapatagal lang ang usapan nila kapag nagsalita siya. Mag-iisip na lang siya mamaya ng paraan para makaalis sa ospital.

..

"Ayos na ba 'to, miss?" pagkaraan ay tanong ng nurse sa kaniya. Tinanguan naman niya ito. Napipilitang humiga siya ulit sa hospital bed. Nakangiting nagpaalam ang nurse bago umalis.

Hinintay na muna niyang maisara ang pinto  bago siya tumayo at naglakad sa may bintana. Maswerte siyang nagsa-slide lamang ito kapag binubuksan.

Dahan-dahan siyang lumusot sa bintana. Sakto namang walang taong napapadaan doon sa nilabasan niya. Nagpalinga-linga siya sa paligid, sinisiguradong walang tao na makakakita sa kaniya.

Wala naman kung ano dito, pulos mga bulaklak at orchids na naka tanim sa gilid ng building. Napabalik ang tingin niya sa do'n sa bintana na nilabasan niya. Napangiwi na lang siya nang makita ang mga bulaklak na sira na at nakalubog na sa lupa.

Pasuot-suot siya sa kani-kaninong bakuran makalayo lamang sa ospital. Hanggang marating niya ang main road.

Nahahapong napaupo siya sa gilid ng kalsada. Pagod na siya, ilang oras na rin siya sa paglalakad ng walang direksyon. Kumukulo na rin ang kaniyang tiyan sa gutom. Mas lalo namang nag-alburuto ang kaniyang tiyan dahil sa amoy ng masarap na pagkain na hawak ng isang taong napadaan sa harap niya.

Hmm, cheese burger.

Kung may pera lang sana siyang dala baka nakailang bili na siya ng cheese burger. Namimiss na niyang kumain no'n. Puro gulay kasi ang inihahanda do'n sa ospital para sa mga pasyente. Nakakasawa.

May nakita siyang isang may katandaang babae na nagtitinda ng street foods. Nakasakay ito bisiklita na nakadikit do'n sa pinaglagyan ng kaniyang paninda.

Napatayo siya at kumikinang ang mga matang nakatingin sa mga pagkain.

"Anong sa iyo, ineng?" tanong ng matanda ng mapansin siya nito.

"Kwek-kwek, isaw, kikyam at fishball po sana," nahihiyang napakamot siya sa kaniyang pisngi "kaso wala ho akong pera pambili". Malungkot na sabi niya. Nanatili siya sa harap ng mini tindahan ng matanda at nagkasya na lang sa pagtitig at pag-amoy sa mga pagkain sa kaniyang harapan.

Naawa naman ang matanda sa kaniya. Kitang-kita kasi sa kaniyang mukha at ang pasimpleng paghawak sa tiyan ang kaniyang nararamdaman. May ngiti sa mga labing kumuha sa paninda ang babae no'ng mga binaggit niya saka inilagay sa isang plastik malabo. Nilagyan rin niya ito ng sauce at saka ibinigay sa dalaga.

"Oh ito, ineng" napaangat ang tingin ni Scarlet sa matanda saka sa hawak nitong plastik. Umiling-iling naman siya sa matanda ng iabot nito ang supot na may laman ng pagkain na gusto niya.

"Naku ho, wala po akong pangbayad" pag-uulit niya sa sinabi kanina baka hindi ito niyon narinig.

"Ayos lang. Libre na ito para sa iyo". Nakangiting sabi ng matanda.

MOONSTONEWhere stories live. Discover now