Chapter Twenty Seven

5.4K 199 19
                                    

Tiarra's pov




I groan when I felt my head pound so hard. Agad ko itong sinapo at hinigit ang kumot pataklob sa'kin para hindi tumama sa mata ko ang sinag ng araw mula sa bukas na bintana.

"Goodmorning. I bought you some medicine, makakatulong to sa sakit ng ulo mo. " A man's voice said kaya agad kong naalis ang kumot sa mukha ko at nanlalaki ang mata ko siyang tiningnan.

"What are you doing here? How did you get here? How did I get here? What happe--"

I stopped dead in my tracks at napalunok. Agad kong tiningnan ang suot ko sa ilalim ng kumot. I sigh in relief ng makitang suot ko parin ang damit ko kahapon.

"Nothing happened Tiarra. Chill." Tyler said and shyly smile at me. I look at her wearing my poker face expression.

"Where am I? Why am I here?" Sunod sunod kong tanong. Naka kamot naman siya sa batok niya.

"You passed out pag katapos mong kumanta." Nahihiya nitong sagot habang namumula ang pisnge.

"Kumanta!? Saan!?" Nalalaki ang mata kong tanong sa kaniya.

"Ahm... Y-you don't r-remember anything?"

"Hindi, naalala ko lahat. Trip ko lang talaga mag tanong." I answered with full of sarcasm.

"Sorry.." Pag hingi niya ng paumanhin. Inikutan ko siya ng mata at sinubukan bumangon pero agad din akong napahawak sa ulo ko.

"Here drink this. It helps with the pain." Saad niya at inabot sa'kin ang baso ng tubig at gamot.

"Thank you." Pasalamat ko sa kaniya ng matapos ko iyong inumin.

"You're welcome." Nakangiti nitong sagot sa'kin.

"So...who bought me here?"

"Nung nakatulog ka kasi kahapon eh ayaw mo ng bumitaw sa'kin kaya ako na pinag dala ni Tita Xia sayo dito sa guest room." Namumula nanaman nitong turan at nag kamot sa batok.

"Tyler okay ka lang ba?" Tumango tango naman siya sa'kin.

"Yeah, why?"

"Namumula ka kasi eh. Baka may sakit ka." Nag iwas naman siya ng tingin.

"Nope. I'm perfectly fine. Ikaw ba? May masakit pa ba sayo?" Balik tanong niya at akmang lalapit sa'kin ng may tumikhim.

"Tapos na ba kayong mag landian?" Sabay kaming napalingon sa naka pamewang na si Maxine na sobrang sama ng tingin kay Tyler.

"Ahmm..hindi po kami nag lalandi--"

"Hindi pa eh. Pwede extend?" Putol ko kay Tyler at nginitian ng matamis si Maxine.

Napatingin naman siya sa'kin at tinaasan ako ng kilay.

"Wala akong panahon makipag pilosopohan sayo Tiarra kaya umayos ayos ka bago mag dilim ang paningin ko sa inyong dalawa." Malamig nitong turan. I roll my eyes at her.

"Hmm..yeah, right. Pag sa'kin mag didilim pag kay Zoe hindi." Hindi ko mapigilang turan.

Lumambot ang ekspresyon niya at bumuntong hininga.

"Tyler pwede mo ba kaming iwanan saglit?" Alanganin namang tumingin si Tyler sa'kin pero nag iwas ako ng tingin.

"Ah..yeah...s-sure." Sagot nito at iniwan kami ni Maxine.

"Tiarra let me explai---"

"Gasgas na yang line na yan. Ganyan lagi sinasabi sa pelikula eh, wala ka bang bago?" Putol ko sa kaniya at pasimpleng napairap ng mata.

A Complicated LoveWhere stories live. Discover now