Chapter Nine

6.4K 287 10
                                    

Tiarra's pov




Naka pamewang si Agenta sa harap ko habang naka upo ako sa kama. Kanina pang umalis yung mga bisita at pinag uusapan namin ang pansamantala kong pag tuloy dito.

"For how long?"

"I don't know..until maka hanap ako ng malilipatan I guess.." Hindi ko siguradong sagot sa kaniya at bumuntong hininga.

"Hmm..okay then. Wala din namang gumagamit nito, sayang din mga stock na pag kain dahil nasisira lang kaya dito ka muna." Lumawak naman ang ngiti ko.

"Thank you s--"

"But..." Pag putol nito kaya napasimangot ako.

"Ano nanaman?"

"No boys allowed, or girls! Or kahit sinong manliligaw mo. Okay? Ayokong gawin nyo itong motel." Bilin nito at tinaasan pa ako ng kilay.

"Pero pwede ang mga kaibigan ko diba?"

"Hmm..sinong mga kaibigan? Yung tatlong gung-gong?" Tanong nito na ikinairap ko.

"Tsk. Hindi sila gung-gong."

"Kung sila nga okay lang. Pero sila lang tatlo! At bawal may makaalam na iba. Got it?" Tumango tango naman ako.

"Great! Now I need to leave, kanina pang nag iintay yung totoo kong fiancée sa apartment namin." Turan nito. Halata sa boses niya ang saya. Napangiti nalang din ako.

'Ang swerte ni Zoe sa kaniya..'

"Ingat!" Tanging sagot ko at nag simula ng i-ayos ang mga gamit kong dala.

"I'll be back tomorrow. Lock the door and don't be stupid to let strangers in."

"Oo na, ginagawa mo akong baby eh alis na." Pag tataboy ko dito.

"Baby ka naman talaga..baby ko." Banat nito kaya napalingon ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay.

"Anong trip mo nanaman?" Nag iwas naman siya ng tingin.

"Tsk! Nabasa ko lang yan, tenesting ko lang kung epektib dahil sasabihin ko kay Zoe. Tsk! Bahala kana nga." Irita nitong turan at tuluyang umalis.

"Lakas talaga ng sapak ng babaeng yun." Bulong ko sa sarili at nag patuloy nalang sa pag aayos ng mga gagamitin ko.

Nang matapos ako ay inopen ko ang cellphone kong chinarge ko kanina para kamustahin si Shishi.

Wala parin itong balita kaya nag aalala ako. Gustong gusto ko itong tawagan pero sabi niya ay wag daw muna at intayin na siya ang unang mag paramdam.

Humiga ako sa kama at nag compose ng message pero bago ko ito i-send ay binura ko nalang ulit. Napapikit ako ng madiin ng maalala nanaman yung mga tauhan nila mommy.

Hindi ba talaga sila titigil? Hindi pa ba sapat sa kanila na ayaw kong mag pakasal sa lalaking iyon kaya ako nag layas? Tsk.

Sa sobrang lalim ng aking pag iisip ay hindi ko na namalayan ang pag bigat ng aking talukap at tuluyan na akong maka tulog.


*-*-*-*


I groan when I heard a loud thud down stairs. Agad akong bumangon at kinuha ang baseball bat sa may cabinet ni Agenta. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at nag lakad papunta sa hagdan.

"Aaaaaahhhhh!!" Sigaw ko ng may nakasalubong ako na taong naka hoodie. Inihampas ko ang baseball bat dito pero agad din niyang naiwasan.

"Tiarra! Put that down! Jeez, are you trying to kill me?" Galit na turan ng tao at sapilitang inagaw sakin ang baseball bat.

A Complicated LoveOnde histórias criam vida. Descubra agora