Chapter Forty Five

4.8K 184 9
                                    

Tiarra's pov




Sunod sunod na katok ang nag pagising sa mahimbing kong tulog. Lintek na yan, sa pag kakaalam ko ay sabado ngayon kaya wala akong pasok.

'Anong katangahan nanaman kaya ang gagawin nila at binubulabog nila ako.'

"Siguraduhin mong maganda ang rason ng pang bubulabog mo sa tulog ko kung ayaw mong ikaw ang patulogin ko ng habang buhay." Mahaba kong litanya pag kabukas ko ng pinto.

"Goodmorning!!" Biglang sigaw ng bata? Teka ba't may bata dit--ayy shit!

"Athena, kanina ka pa bang gising?" Agad kong tanong at tumingin sa relo. It's already eight in the morning na pala.

"Yes po. Kanina ko pa din po kayo iniintay. Sabi po nila Tita Sheen gisingin ko daw po kayo." Hyper na sagot nito.

"Tita Sheen?" Takang tanong ko sa kaniya. Tumango tango naman siya bago hinila ang laylayan ng damit ko kaya napatingin ulit ako sa kaniya.

"Baba na po kayo ha, mag babreakfast na po." Nakangiti nitong turan bago tumakbo na ulit pababa.

"Don't run Athena!" Sigaw kong saway sa kaniya para marinig niya, jusko po baka mapano pa yun ako ang malalagot sa mga magulang niya..

"Fineeeeeee!" Rinig kong tugon nito pabalik sa akin. Napailing nalang ako at nag tungo na sa banyo para mag ayos ng sarili.

Nang matapos akong mag ayos ay bumaba na ako para puntahan sila.

"Tita Cyrille! hahahaha, Tita Cyrilllleee! Tita Shishi won't stop tickling me pooooo! hahaha." Rinig kong hagikhik ni Athena bago pa ako makalapit sa kanila.

"At sinong may sabing mag patawag kayong Tita aber?" Nakapamewang kong tanong sa kanila.

Napatigil sila sa pag haharutan at nag turuan.

"Si Sheen!" Saktong paupo naman si Sheen sa sofa. May subo subo pa siyang bacon sa bibig habang mag dalang tinidor na may nakatusok na hotdog.

Tsk. Katakawan talaga, jusko.

"Huh? Anong ako?" Takang tugon naman ni Sheen. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Baki--"

"You don't need to get mad kay Tita Sheen po. I like to call them that naman din." Pigil sa akin ni Athena bago ko pa masermonan si Sheen.

"But Athe--"

"Pleaaasssseeeeee..." Pa-cute ulit nitong putol sa akin. I groan bago naupo sa nalang sa tabi ni Sheen na hotdog naman ngayon ang subo subo.

"Yehey! Now let's play po ulit!" Hyper nitong tugon.

"No Sweetie, you need to get ready. I uuwi na kita sa parents mo, for sure alalang alala na sila sayo." Pigil ko sa kaniya.

Nawala ang masigla niyang ngiti at naluluhang tumingin sa akin.

"Can't I stay?"

Malungkot akong napalingon kila Cyrille bago bumuntong hininga ako tumingin kay Athena. Marahan ko siyang hinila palapit sa akin at hinaplos ang pisnge niya.

"I wish you can Sweetie, but you can always visit again. Basta ipaalam muna natin sa parents mo, okay?" Mahinahon kong saad. Malungkot siyang napatango nalang.

"Great." Tugon ko at ngumiti ng bahagya bago siya hinalikan sa noo.

"Kumain ka na ba? Aalis na tayo pag katapos mo." Napanguso siya at tumakbo patungo sa kusina.

A Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon