Chapter Twelve

6.5K 269 25
                                    

Tiarra's pov




Kasalukuyan kaming nasa may tabi ng dagat at nag iinom. Sila Ryder naman ay naliligo kasama sila Tita Red at ang ibang kaibigan nila Mommy Xia ay kasama namin at nag iinom din.

"Do you want some more beer?" Tanong sakin ni Maxine at inihilig ang ulo sa balikat ko. Mukhang may tama na rin siya kasi namumula na ang mukha niya.

"No thanks." Tanggi ko at niyakap ang may bewang niya.

Nasa harap namin ang mga magulang niya at nginitian ako ni Mommy Xia habang si Mrs.Carson ay tinaasan lang ako ng kilay. Haish, mag Ina nga sila.

"So kaylan ang kasal Maxine?" Biglang tanong ni Tita Sabby. Nilingon naman siya ni Maxine at nginitian.

"Hmm..secret." She replied and giggle.

"Hala, baliw na anak mo Xianna. Secret daw." Namumula na ring saad ni Tita Kath.

"Opo baliw na ako. Baliw kay Tiarra." Sabat ni Maxine at mabilis ako hinalikan sa labi na parang walang pakialam kung nasa harap pa kami ng mga Tita niya.

"Hahaha, shutang Ina. Nag mana nga kay Xianna yang batang yan. Ganyan din mga style dati eh mga corny." Tito Drake said and laugh. Nag mura din ito at hinampas si Mommy Xia na katabi lang niya.

"Hahaha like Mother like Daughter nga diba." Nailing iling naman na saad ni Tita Em at ininom ang beer niyang hawak.

"Oo nga, pero akala ko talaga nag mana siya kay Tori. Lagi kayang naka poker face yang batang yan tapos kasing lamig pa ng Nanay niya." Sabat ulit ni Tito Drake.

"Sa kalamigan, katarayan at kasungitan confirmed na kay Tori nag mana pero pag katarantaduhan at kakornihan kay Xianna." Singit ni Tita Nicole at kumain ng pulutan. Tumatango tango lang ako at sumasang ayon sa mga sinasabi nila.

"Wow, ang babait nyong kaibigan. Na appreciate ko grabeh." Sarkastikong sagot ni Mommy Xia na tinawanan lang ng mga kaibigan niya.

"Totoo naman kasi eh. Pero mas nag mana naman si Maxine kay Tori. Minsan nga parang si Tori lang na nag pakulay ng buhok eh. Grabeh, pag kausap mo wala man lang ka emo-emosyon. Parang robot beh." Sagot ni Tita Cleo at tumawa.

"Kung mag usap kayo parang wala ako dito ah. Kung nainom lang ako siguro ilang beses na akong nasamid." Malamig na turan ni Mrs. Carson kaya napatingin kaming lahat sa kaniya. Tumungga siya sa beer na hawak niya at tinaasan kami ng kilay.

"What?" Mataray nitong tanong ng makita niya kaming nakatingin sa kaniya.

"Pfffttt...HAHAHAHAHA." Pag hagalpak ni Tito Drake ng tawa at nag sunudan nadin sila maliban sa'kin kay Maxine at kay Mrs.Carson na mukang nag sismula ng mairita.

"Sabi sayo ang lamig eh." Tita Cleo said between her laughs na may kasama pang pag hampas sa Tita Kath.

"Pag tatawa walang hampasan, kala mo naman ang gaan ng kamay niya eh." Reklamo naman nito at tumigil sa pag tawa.

"Tsk. Nothing is funny." Saltik ni Mrs. Carson at inirapan sila.

"Pero seryoso nga Maxine, kaylan ang kasal nyo?" Tanong ni Tita Sabby na nag pupunas ng luha sa gilid ng mata. Tawang tawa kasi siya kaya napaluha na sa pag tawa.

Tiningnan ko naman ang babaeng naka hilig ang ulo sa balikat ko at nakitang tutok na tutok siya sa cellphone niya.

"Max?" Mahina kong tanong at tinapik siya.

"Huh? Yeah?" Tanong nito at nag tataka niya kaming tiningnan.

"Kaylan kako ang kasal? Lutang ka nanaman." Pag uulit ni Tita Sabby sa tanong.

A Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon