Chapter Fifteen

6.8K 279 20
                                    

Tiarra's pov



"Enjoy your food." Saad ng waiter pag kaserve nila ng order namin. Hindi ko alam kung anong trip ni Maxine at dinala ako dito para mag 'date' daw.

Tsk, leche siya. Dapat nasa bar na ako ngayon eh. Namiss ko na din kasing mag walwal.

"How was the food baby?" Tanong ni Maxine at pasimple akong tiningnan bago sumubo.

"Baby? Babytayin?" Pang babara ko sa kaniya at nag simula na din kumain.

"Hindi, beybigwasan." Naaasar na sagot nito sa'kin.

"Noice!" Sagot ko nalang at humagikgik ng mahina.

"Seriously though, how was the food?" Seryoso nitong tanong ulit at hinawakan pa ang kamay kong naka patong sa lamesa.

"Ahm.. It was good." Na weweirduhan kong tugon sa kaniya. Medyo nakakapanibago kase ang kinikilos niya ngayon.

'Is she being real or it's just acting?'

"Good then. " Sagot niya at nginitian ako bago nag patuloy na ulit sa pag kain.

"Hmm..Max. Pwede mag tanong?" Sabi ko rito at uminom muna ng juice na inorder ko habang nag hihintay na malunok niya yung nginunguya niya.

"Nag tatanong kana kaya." Sagot nito ng matapos niyang lunokin ang pag kain sa bibig.

Inirapan ko naman siya."Seryoso kasi ako Maxine."

"Seryoso din ako sayo Tiarra." Sagot nito at kinindatan ako.

"Tsk. Oh talaga ba? Dapat na ba akong maging masaya? Whohoo yehey." Sarkastiko kong tugon at inikutan siya ng mata.

"Yeah. Dapat maging masaya ka, ang dami kayang nag kakandarapa sa'kin." Mayabang nitong saad.

"Oo nga nag kakandarapa sila sa pag layo sayo kasi mukha ka daw impakta."

"Me? Impakta? Tsk. Bulag kaba?"

"Hindi, hindi ako. Ako yung impakta." Pang babara ko dito. "Tsk, baka ikaw yung bulag. Kita mong nakaka kita pa ako eh tapos mag tatanong ka pa."

"Whatever, kumain kana nga lang. Mabulunan ka sana." Pikon nitong saad.

"Aaawww ang sweet mo naman mahal. Ang caring mo masyado. Don't worry pag nabulunan ako sisipain kita." Poker face kong sagot.

"Sipain mo para ikaw mag babayad ng bill natin. Takaw mo pa naman." Pananakot niya.

"Ang kapal ng mukha mo. Ang konti lang kaya ng kinain ko." Reklamo ko. Tinawanan naman niya ako.

"Makapal kasi hindi manipis."

"Ewan ko sayo, bahala ka sa buhay mo."

"Bahala ako sa buhay ko? Edi ako din bahala sayo?" Nag tataka ko siyang tiningnan at nilunok ang kinakain ko bago sumagot.

"Anong kinalaman ng buhay ko sa buhay mo aber?"

"Ikaw buhay ko eh." Sagot nito na halos ikasamid ko. Tawang tawang naman si kupal habang uubo ubo ako.

"Kinilig ka naman agad, hahaha. Oh tubig." Pang aasar nito at inabutan ako ng tubig. Ininom ko naman ito.

"Hindi ako kinilig. Kinilabutan akong baliw ka." Irap ko sa kaniya.

"Baliw sayo mahal."

"Pamental kana." Pang gagaya ko sa sinabi niya kanina.

"Hmm. Yah, tapos mag papa-rehab din ako pag katapos." Sagot niya at sumubo ng pag kain.

A Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon