Chapter Twenty One

6.6K 291 20
                                    

Tiarra's pov



Kasama ko si Tiffany ngayon dito sa library. Tinataguan kasi namin yung mga nag hahanap sa'kin para i-recruit ako sa banda nila.

"Bakit kasi kumanta kanta ka pa eh. Yan tuloy.." Mahina nitong saad at humagikgik.

"Ssshh.. Para sa grades yun! Tsaka ang haba kaya ng sungay ni Miss Stones, super nakakatakot. " Pag mamaktol ko. Ngumiti naman siya at nailing nalang.

"Hindi naman siya gaanong nakaka takot." Sagot nito kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Sa lahat ng estudyante dito, ikaw lang nag sabi niyan." Namula naman ang pisnge niya at nag iwas ng tingin.

"Ano..I mean, maybe hindi siya ganun ka sungit." Tugon nito at nag kibit balikat.

"Hmm..right..." Tanging tugon ko at tumango tango ng marahan sabay tingin sa kaniya ng makahulogan.

Hmm..something smells fishy.

"Hey! I know that look at ngayon palang sinasabi ko na sayo na mali ang iniisip mo!" Pag dedepensa nito.

"Wala akong iniisip ha. Defensive kana agad." Pang aasar ko sa kaniya at humagikgik.

"Tsk! Alam ko na ang takbo ng utak mo Tiarra, don't me!"

"Edi don't you Baby Tiffy.." Patuloy ko sa pang aasar. Ayaw na ayaw niyang tinatawag siyang ganun parang tanga daw.

"Ewan ko sa'yo Baby Arra." Sinimangutan ko siya. Tsk, nakaganti pa nga ang loka!

"This is a library, hindi ito motel para dito kayo mag harotan." Biglang sabat ng kung sino kaya sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses.

"Ahmm..hindi po kami nag haharotan Miss Agenta." Namumulang tugon ni Tiffany kay Maxine. Inirapan ko lang naman ito at hinayaang si Tiffany ang mag explain.

"I have two eyes and two ears Miss Chavez." Malamig na sagot ni Maxine at tinaasan ng kilay si Tiffany kaya napalunok naman ang huli.

"Oo nga, meron kang dalawang mata at dalawang tenga pero minsan hindi mo kayang gamitin. Sana yan nalang yung nawala hindi yung puso mong manhid na." Singit ko at tumawa ng mapakla. Kita ko kung paano lumambot ang ekspresyon niya pero agad din iyong bumalik sa pag ka walang emosyon.

"You too Miss Prescott, you have two eyes and two ears pero hindi mo man lang kayang gamitin para makinig ng paliwanag ng iba. You judge for what you see without knowing what is the real reason behind. Try mo mag pa check up, mukhang katas na ng ampalaya ang dumadaloy sa katawan mo at hindi na dugo." Sagot nito iniwan kaming naka tulala at iniintindi ang sinabi niya.

"Huh? Katas ng ampalaya?" Nagugulohan kong bulong.

"Napaka bitter kasi, yan tuloy wala kanang dugo." Sabat ni Tiffany. Sinamaan ko siya ng tingin. She knows about me and Maxine pero hindi ang punot dulo. Yung part lang na akala nila fiancee ko talaga si Maxine gawa nung pag eeskandalo ni Zoe, tsk. Shutang nang babae talaga yun kahit kaylan pahamak sa buhay.

"Bakit kasi ayaw mo din pakinggan ang explanation niya? Malay mo naman maliwanagan ka." Seryoso nitong tanong pero dahil sa abnormal ako kausap kaya hindi maayos ang sagot ko sa kaniya.

"Bakit ako maliliwanagan? Madilim ba?" Pang babara ko sa kaniya. Tumawa ako pero mukhang napikon ang bata kaya piningot niya ang tenga ko.

"Araaay, aray naman!" Daing ko at ni rub ang tenga kong piningot niya.

"Kung kaylan ako nag seseryoso doon ka nag loloko."

"Wag mo kasi akong seryosohin baka ma fall ka lalo." Pag bibiro ko at kinindatan siya. Inirapan naman niya ako.

A Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon