Chapter Five

6.8K 295 49
                                    

Tiarra's pov



"Dito na kaya kayo matulog, wala namang pasok bukas eh. Gabi na rin at baka mapaano pa kayo sa daan." Suggestion ng Mommy ni Miss Agenta kaya napalunok ako.

"Ahm..ano po kasi..may gagawin po akong madaming project at assignment." Pag dadahilan ko. Hindi na kasi kami nakauwi kanina dahil dumating pa ang ibang kamag anak nila at ipinakilala nila ako.

"Yes Mom. I have so many paper works that needs to be done right away too.." Pag tulong sa'kin ni Miss Agenta sa pag dadahilan.

"May linggo pa din naman anak. Sa linggo mo nalang tapusin, tsaka uuwi din naman kayo bukas." Pangungumbinsi ng Mommy niya.

"Oo nga Couz..dito din kami tutulog eh. Tsaka inuman tayo sa may pool, na miss ko yun." Sabat ni Ryder.

"Then let's play a game, katulad dati." Singit din ni Sapphire na ang lawak ng ngiti kay Miss Agenta.

"Bu--"

"Bakit nag mamadali kayong umuwi? Dapat nga maging masaya pa kayo kasi mag kakasama kayo, diba?" Biglang tanong ng malamig na tinig kaya napalingon kami doon. Naka tuon lang ang atensyon ni Mrs. Carson sa Tv pero nakikinig pala ito samin.

"Yeah..pero kasi Momm--"

"Then no buts. You two are staying here tonight." Pag dedesisyon nito at tinapunan kami ng malamig na tingin.

"Yes Ma'am." Sabay naming sagot.

Nabalot ng panandaliang katahimikan bago basagin ni Sapphire.

"Tara Tiarra, doon tayo sa pool. Kwentuhan tayo." Yaya nito sa'kin. Hinawakan niya ang braso ko at hinila papunta sa kung saan ng may humawak sa kamay ko.

"She can't Saph.. She needs to rest, come on love." Pigil ni Miss Agenta at hinapit ulit ako sa bewang bago ako inalalayan papunta sa taas.

"At may balak ka talagang sumama sa maharot kong pinsan!?" Irita nitong bulong.

"Bakit alam ko bang maharot yun? Tsk, nag yaya lang makipag kwentuhan eh."

"Kahit na! What if makahalata sila Momma? Tsk. Hindi ka nag iisip." Turan nito at binuksan ang isang kwarto. Pumasok siya doon at naiwan akong naka tayo sa harap ng pinto.

"Tititigan mo nalang ba ako or papasok ka?" Taas kilay nitong tanong.

"Ang kapal ng mukha, ikaw ba tinititigan ko? Ikaw? Ikaw!? Tsk. I'm just admiring the room. " Irap ko dito at pumasok sa kwarto.

"Is this your room?" Tanong ko at iginala ang paningin bago umupo sa kama niya.

"Hindi, it's yours." Pabalang nanaman nitong sagot.

"Malay mo naman guest room diba? Tsk, utak mo may ubo." Sagot ko at humiga sa malambot niyang kama.

"Utak may ano?" Takang tanong nito habang may kinukuha sa cabinet niya.

"Wala." Tipid kong sagot at napangiti ng makitang punong puno ng glow in the dark na stars at moon ang kisame niya. Namiss ko tuloy ang kwarto ko.

"Feel na feel mo naman pag higa sa kama ko? Doon ka sa baba matulog may foam doon." Putol nito sa pag mumuni muni ko.

"Wow. Diba dapat mag tatalo tayo kung sinong sa kama at sa sahig matutulog?"

"Hindi uso yun sa totoong buhay. Sa libro lang nang .multiple timyayari yun." Sagot nito at umupo sa kama.

A Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon