Chapter Thirteen

6.5K 271 22
                                    

Tiarra's pov




Nag mamadali kong isinuot ang Id ko at kinuha ang bag ko. Patakbo akong bumaba ng hagdan at nag sapatos. Late kasi ako nagising at may klase ako ngayon.

"Goodmorning! Nag luto ako ng almusal." Napatingin ako sa babaeng nakangiti sa'kin.

"Why are you still here?" Takang tanong ko kay Maxine. Naka uniform na din siya ng kaniya pero hindi parin siya naalis. Mag aalas otso na at first subject namin siya.

"Hmm.. Basta lang. Halika, kain muna tayo." Yaya niya sa'kin at marahang hinila ang kamay ko patayo. Hinalikan niya ang likod ng palad ko at nginitian ako ng matamis bago paupuin sa upuan.

"Nasapian ka ba?" Poker face kong tanong sa kaniya. I've been ignoring her since the night that I almost confess that I have feelings for her.

"Nope! I'm just happy and motivated." Tugon nito at kinindatan ako.

"Happy and motivated? Tsk, sana all." Bulong ko nalang at nag simula ng kumain.

"So... I was wondering if you want to do something later.." I look at her and raised my eyebrows.

"Why?"

"Nothing.." Nag tataka ko siyang tiningnan.

"Okay. What do you want Maxine?" Tanong ko at ibinaba ang kubyertos ko. Tumingin ako sa kaniya ng seryoso at inintay ang sagot niya.

Ganitong ganito si Shishi pag may kasalanan or may favor na hihilingin kaya alam ko na ang mga style na ganito. Pero medyo nakaka gulat na pati si Maxine parang bata pag may hihilingin.

"Huh?" Inirapan ko siya.

"Spill! Bago pa mag bago ang isip ko." Bumuntong hininga naman siya.

"Fine... Zoe wants to have a dinner date later and I was hoping that you'll cover for me when my parents ask." She said and look at me with hopeful eyes.

Sumikip ang dibdib ko. Seryoso siya? Sila na ulit ni Zoe? Pag katapos niyang umiyak ng balde balde sa babaeng yun at pag katapos siyang pag taksilan? Shutang Inang batang 'to ubod ng tanga.

"Tiarra?" Tawag niya sa'kin ng natulala ako saglit.

"Please..." She plead at nag puppy eyes pa. Kahit naiirita ako at nalulungkot ay wala akong magagawa. She's the real fiancee after all.

"Hmm. Yeah, sure." Tugon ko at nginitian siya ng pilit.

"Yes! Than--"

"Una na ako. Baka malate ako lalo." Putol ko sa kaniya.

Haish, bakit feel ko masakit na makita siyang masaya na hindi ako ang dahilan? Oh shit! Don't tell me...

"NO!"

"Ahm..are you okay?" Nag tataka nitong tanong. Namula naman ang pisnge ko.

"I'm fine, I'm fine.." Mahina kong tugon at bumuntong hininga bago lumabas ng kusina.

"Babe, you haven't touched your food."

"Don't call me babe! I have a name." Pasigaw kong tugon para marinig niya.

"But I like to call you babe or baby or myl--"

"I already said yes sa favor mo. Kaya wag mo na akong bolahin. Okay? Just enjoy your day Miss Agenta." Malamig kong turan at kinuha ang duplicate ng susi sa may tv at lumabas na ng condo.

'What the fuck is wrong with you Tiarra Violet!?'


*-*-*-*

A Complicated LoveWhere stories live. Discover now