Chapter Forty Seven

4.5K 215 15
                                    

Tiarra's pov




"Para 'tong tanga!" Rinig kong saad ni Sheen pag kapasok ko ng room ni Athena, kinausap kasi ako ng doctor ni Athena regarding sa kalagayan niya at sa contact info ng mga magulang niya. Bumili na din ako ng pag kain namin since hindi kami naka kain kanina dahil sa nangyari.

"Ayan natalo ka pa ng bata. Bornak!" Pakikipag talo padin ni Sheen kay Shishi na nakikipag laro ng chess kay Athena.

"Ang ingay mo kasi eh natalo ka din naman, wala pa ngang five minutes yung inyo eh." Sagot naman ni Shishi kay Sheen na kanina pa ata siyang inaasar.

"It's okay to lose sometimes naman po eh, ako din po laging natatalo ni Mommy eh." I heard Athena said, pinapagaan yung loob ng dalawang mas matanda sa kaniya.

Hindi ko na napigilang mapatawa ng makitang sabay na bumusangot ang mukha nilang dalawa.

"Nakakatawa yorn?" , "Happy ka?"

Sabay na tanong ng dalawa ng marinig nila akong natawa. "Hmm. Slight, biruin niyo natalo kayo ng bata." Pang aasar ko sa dalawa at tinawanan ulit sila.

"Do you want to play with me po ba Tita Tiarra?" Tanong naman ni Athena kaya napatigil ako sa pag tawa.

"H-huh? Gutom na ako, next time nalang." Pag papalusot ko at inilapag na sa lamesa yung mga pinamili ko.

"Aysus, gutom na daw. Palusot mo bul--"

"Ituloy mo yan Sheen wala kang kakainin." Putol ko sa kaniya at nginitian siya ng matamis.

"Oo nga, gutom na din ako." Sagot naman ni Sheen at nauna pang kumuha ng pag kain. Lintek na 'to.

Athena giggle kaya napadako sa kaniya ang paningin ko. Kumuha ako ng pag kain niya at umupo sa upuan na katabi ng kama niya.

"Hey pumpkin, are you feeling okay?" Tanong ko sa kaniya at isinipit sa may tenga niya yung buhok na naka harang sa muka niya.

"Yes po. Ikaw po ba?" Balik tanong niya, nginitian ko lang siya at tumango.

"As long as you're okay. I'm okay, sige na kain kana mamaya na chika." Sagot ko at inabot sa kaniya yung pag kain niya.

She said thanks at nag simula ng kumain. Pinag masdan ko siyang kumain ng ilang minuto bago ako tumayo at nag paalam na may tatawagan lang ako saglit sa labas. Tumango lang si Athena habang yung tatlong depunggal walang pakealam at patuloy padin sa pag kain.

Lumabas na ako at nag tungo sa garden ng hospital, walang masyadong tao doon kaya't tahimik. Nag lakad lakad ako sa garden habang dinadial yung number na binigay ng doctor sa'kin. Naka ilang ring ito pero walang sumasagot hanggang sa mamatay nalang ang tawag.

Napabuntong hininga nalang ako at sinubukan ulit tawagan yung number, katulad ng una nag ring lang siya pero walang sumasagot. Naiinis kong ibinaba ang cellphone ko at napayuko nalang na nag lakad ng may mabangga ako.

"I'm sorry po.." Pag hinge ko ng paumanhin at nag taas ng tingin para tingnan ang taong nabangga ko.

Nanlaki ang mata ko ng makilala ko kung sino ang nasa harap ko. Red hair, green orbs, and a cold aura.

"M-Mrs. Carson.." Kinakabahan kong saad. Tiningnan niya ako at bahagyang ngumiti na ikinagulat ko.

"Your timings are always perfect." She said. I frown, confused about what she said.

"She needs you." Dagdag nito at may sinenyas sa likod niya bago umalis sa harap ko.

Napatingin ako sa taong tinutukoy niya at napalunok. Maxine is sitting on a bench inches away from me, her back is facing me at naka tulala lang siya sa kawalan.

A Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon