Chapter Twenty

6.6K 249 12
                                    

Tiarra's pov




I don't know what to do or to say. Naka tayo lang ako sa harapan niya at naka titig sa kaniya. Not minding how my heart beats so fast because of what she said.

Is it true? But why? Bakit niya ako uunahin when she doesn't feel the same? Para ba gumaan ang loob ko? Para ba makuha niya ulit ako at ipag patuloy ko ang planong pag papanggap namin? But Mrs. Carson already know... And I'm sure pati ang Mommy niya ay alam narin ito. Alam nga ng buong campus eh, posible namang hindi maka dating sa Mommy niya, diba?

Sa madaming tanong na umiikot sa isip ko. Pero kahit isa ay walang lumalabas sa labi ko.

"Say something...please." Kita ko ang kaba sa mga mata ni Maxine pero hindi ko alam kung bakit diya kinakabahan. Dahil ba hindi ako umiimik? Or kinakabahan siyang baka tanggihan ko ulit siya?

"Max--"

"Baby.."

Sabay kaming napalingon sa taong nag bukas ng pinto ng kaniyang opisina.

Lahat ng tanong na paikot ikot sa utak ko ay biglang nag laho at iisang bagay lang ang natira.

'She's trying to win me back for the sake of being with Zoe again..'

"Zoe..what are yo--"

Kita ko kung paano hinila ni Zoe si Maxine palapit sa kaniya at halikan ang labing kani kanina lang ay naka lapat sa labi ko.

Napaiwas ako ng tingin at napa dako sa isang kamay ni Maxine na hanggang ngayon ay naka hawak parin sa kamay ko. Sobrang higpit ng pag kakahawak niya na parang ayaw niya akong bitawan. But I'm only letting ny hopes up dahil alam kong hindi ako ang nasa isip niya sa mga oras na to. Nakahawak man siya sakin pero si Zoe parin ang nasa isip niyang hawak hawak niya at ayaw niyang pakawalan.

With a heavy heart, unti unti kong tinanggal ang pag kakahawak niya sa'kin at lumabas ng opisina niya ng walang pahintulot. Hindi pa ako ganun ka manhid para harap harapang saktan ang sarili ko. Hindi ako pinalaking tanga ng mga magulang ko para manatili sa posisyong ikasasakit ko.

Naka yuko kong tinungo ang hardin kung saan ako laging naka tambay pag wala akong kasama at masama ang loob ko. Kotang kota na si Maxine sa pagiging tanga sa babaeng yun kaya hahayaan ko nalang siya. Wala din naman akong maitutulong sa kaniya.

Naupo ako sa ilalim ng puno at huminga ng malalim. Pilit pinapa kalma ang sarili at iwinawaksi ang kirot sa aking dibdib.

I won't cry again... I'll endure the pain.

"Ngayon nalang ulit kita nakita dito ah. Long time no see?" Napalingon ako sa babaeng nakangiti sa'kin. Nakaka inggit ang ngiti niyang sobrang lawak na hatalang halatang walang problema.

"Ahm.. Not to be rude but, who are you?" Takang tanong ko sa kaniya. Ngayon ko lang din kasi siya nakita dito eh.

"Ohh jeez!" Mahina nitong saad at nag face palm. "Sorry, I'm Tiffany." Pakilala nito sa'kin at nag lahad ng kamay. I shake her hands and smile.

"Tiarra." Tipid kong saad at binitawan na ang kamay niya.

"Cool name." Komento nito at binalik sa bulsa ang dalawa niyang kamay.

"Yeah..I guess." Sagot ko nalang at nag kibit balikat.

"Ahm..can I sit beside you?" Nag aalangan ko siyang tiningnan. Mukha naman siyang mabait kaya nginitian ko siya ng bahagya bago tangoan.

"Thanks. Nakaka ngalay na din kasing tumayo eh." Sagot nito at umupo na nga sa tabi ko.

"Bakit ka din kasi naka tayo?" Mahina kong tanong sa kaniya.

A Complicated LoveWhere stories live. Discover now