Chapter Twenty Two

6.7K 272 15
                                    

Tiarra's pov



"Waaaahhh! Ate Tiarra pa selfie po." Rinig kong tili nung mga Junior high ata. Base kasi sa uniform nila ay taga kabilang building sila. Iba iba kasi style ng uniform bawat Grade Level.

"Ahh..ehh..sure." Alanganin kong sagot at hinayaan silang mag pa-picture sa'kin. This past few days ginawa nila akong celebrity dahil muka daw akong totoong prinsesa nung nag role play kami.

"Pwede yumakap Ate?" Tanong nung bata sa'kin. Ang cute niya pag nangiti kasi nawawala yung mata niya.

"Sure beh." Sagot ko at niyakap siya. Nag tilian naman yung mga kaklase niya kaya medyo maingay dito sa may hallway kung saan kami naka tayo.

"Don't you know that classes are still on-going? " Napakalas ako sa yakap at tumingin sa nag salita.

"Kung tapos na kayo, bumalik na kayo sa mga classroom niyo." Malamig nitong turan bago tinaasan ng kilay yung batang yumakap sa'kin kanina. Ramdam ko naman na napahigpit ang kapit nung bata sa laylayan ng uniform ko.

"Y-yes po Miss Agenta.." Kinakabahan nitong sagot at bahagyang tumingin sa'kin bago ako ngitian. Hinila na siya nung mga kaibigan niya palayo saamin.

"Hindi mo naman kaylangan takotin yung mga bata, wala naman silang ginagawa eh. Tsaka tapos na yung klase ng college, lunch na nga eh." Irap kong turan kay Maxine.

"Tsk. Isa ka pa, hindi mo man lang sinaway yung mga bata at may payakap yakap pa kayong nalalaman. " Malamig nitong tugon.

"Eh ano naman? Yakap lang eh. Ang cute kaya niya, nawawala yung mata niya pag nangiti tapos ang taba ng cheeks nakakagigil." Saad ko at inaksyon pa yung gigil na expresyon.

"Tsk. Mas maganda yung mata ko, iba yung kulay. Masarap din pisilin yung pisnge ko kahit hindi mataba." Poker face nitong sagot.

"Hmm..siguro. Pero basta, ang cute ng batang yun ang sarap iuwi." Saad ko nalang at tumawa ng mahina.

"Edi iuwi mo. Leche!" Irita nitong saad at iniwan ako sa hallway.

"Woi joke lang!" Natatawa kong habol kay Madam Bertud na nag alala dragon nanaman sa pag kainis.

"Wag mo akong sundan. Buntot ba kita?"

"Bakit? Aso ka ba?" Balik tanong ko sa kaniya. Tumigil naman siya sa pag lalakad kaya nabangga ko siya dahil sa biglaan niyang pag tigil.

Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay.

"Dun ka sa kayakap mo kanina! Wag mo akong kausapin, wag mo akong lapitan, wag mo ak--"

I kissed her quickly on the lips bago luminga linga at tinapik tapik ang pisnge niya ng marahan. Naka awang lang naman ang labi niya.

"Daldal mo love." Bulong ko at hinila na siya papunta sa office niya. Buti nalang wala masyadong tao kundi issue nanaman.

"That is so risky Tiarra." Inis nitong saad ng maka pasok na kami sa office niya.

"Hmm..gusto mo din naman."

"Yeah.." Sagot nito pero agad din umiling iling. "I mean no. I didn't like it. Tsk!"

Napatawa nalang ako sa kaniya.

"Kumain kana ba?" Tanong ko sa kaniya at umupo sa couch niya. Naka tayo lang naman siya sa may harap ko.

"Bakit mag papakain ka?" Malandi nitong sagot pabalik kaya inirapan ko siya.

"Cannibal ka ghurl?"

"Hindi, pero kung para sayo pwede din." Tugon niya with matching taas baba pa ng kilay.

A Complicated LoveWhere stories live. Discover now