Chapter Eight

6.3K 276 19
                                    

Tiarra's pov




Isang malakas na katok sa pinto ang nag pa gising sa maganda kong tulog.

"What is it!?" Sigaw ko at iritang bumaling ng pwesto sa kabila para ipag patuloy ang pag tulog ko.

"Tiarra!!!" Sigaw ni Shishi at mas kinalabog pa ang pinto. Padabog akong tumayo at binuksan ang pinto.

"Ano nanama--"

Napatigil ako ng tumambad sa akin ang nag papanik niyang hitsura.

"Oh, anyare sayo? Mukha kang natatae na ewan." Naka simangot kong tanong dito.

"They're here." Natataranta nitong bulong at tinulak ako papasok ng kwarto ko at sinarado ang pinto.

"Huh? Anong they are here? Nakalanghap ka nanaman ba ng katol?" Naguhulohan kong tanong dito.

"They.are.here!" Sagot nito ng may diin sa bawat pag bigkas.

"Sino nga!? Lintek, bangag ka nanaman ba??"

"Yung goons mo! Andito sila. Nag tatanong tanong sa labas kung kilala ka ba daw!" Nanlaki naman ang mata ko at kinakabahan akong tumingin sa kaniya.

"Ba't ngayon mo lang sinabi!? Shit!" Sigaw ko at napa sabunot sa buhok habang nag pauli uli ng lakad. Nag iisip kung anong gagawin ko.

"Mag impake kana. Sa hotel ka muna or something.." Saad nito. Nataranta naman ako at nag madaling mag impake ng gamit ko.

May kumatok sa front door kasabay ng tinig ng lalaking kilalang kilala ko kung sino.

"I know you're here Miss Tiarra. Quit playing hide and seek." I gulp as I look at Shierra.

"Sa bintana ng banyo ka dumaan, natatanggal yung bintana doon." Mahina nitong turan at tinulak ako papunta sa banyo.

"Huh? Bakit natatanggal yung bintana doon!?" I whisper yelled at her.

"Basta natatanggal mamaya kana mag tanong!" Sagot nito at patuloy akong tinutulak sa banyo.

"Misss Shierra Delmondo pwede kang kasuhan ng kidnapping sa ginagawa mong pag tatago kay Miss Tiarra." Malakas na saad ni Kenneth habang kinakalabog ang pintuan.

Nag madali naman kaming tanggalin ang mga bubog sa bintana at nilusot niya ang bag ko.

"Sige na. Ako na ang bahalang mag taboy sa kanila. Wag ka munang mag text or tumawag baka kunin nila ang phone ko. " Pag bibilin nito bago ako yakapin ng mahigpit.

"Mag iingat ka ha! Ako ang papatay sayo pag may nangari sayong masama!" Nag aalala nitong bilin na siyang ikinangiti ko kahit na takot na takot ako na baka makita nila ako.

"Mag iingat ka din." Mahina kong tugon at umakyat na sa upuan para maabot ang bintana.

Tama lang ang laki ng butas para mag kasya ako. Nang maka labas ako at binalik na ni Shishi ang mga bubog at tinataboy na ako.

Agad kong pinulot ang bag ko at tumakbo sa kung saan. Madilim na ang paligid dahil gabi na kaya tanging ilaw nalang sa poste ang mga nag binigay ng liwanag sa dadaanan ko.

Nang maka labas ako ng subdivision ay hingal na hingal akong tumigil sa gilid at lumingon sa likod kung wala bang naka sunod sa'kin.

Naka hinga ako ng maluwag ng wala akong nakitang naka sunod sa'kin. Agad akong pumara ng taxi at sumakay doon.

"Saan po tayo maam?" Tanong nung driver sa'kin. Panandaliang na blanko ang utak ko.

Saan nga ako pupunta?

A Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon