Chapter Twenty Three

7K 226 28
                                    

Tiarra's pov




Sobrang lawak ng ngiti ko habang inaamoy amoy ang bulaklak na pinahatid ni Maxine sa isang student. Nasa garden kami ng barkada, kung saan kami lagi naka tambay.

"Hindi ba nauubusan ng amoy yang bulaklak mo?" Tanong ni Shishi at bored akong tiningnan.

"Hmm..nope!" Nakangiti kong sagot at nginitian siya.

"Tsk. Iba talaga pag inlove, grabeh." Rinig kong bulong ni Cyrille na abalang abala sa pag babasa ng libro.

"I'm not inlove." Sagot ko at inamoy ulit ang bulaklak na hawak ko.

"Oh talaga ba?" Pang aasar ni Tiffany at hinagis sa'kin yung takip ng ballpen niya. "Deny pa Arra."

Sinamaan ko siya ng tingin at ibinaling nalang ulit ang tingin ko sa bulaklak at inamoy yun. Iba kasi yung amoy niya kaya nakaka adik amoyin. Parang yung pabango ni Maxine.

"Ipasok mo nalang kaya sa ilong mo ng hindi kana mahirapan mag hawak." Sabi ni Sheen na nakatingin pala sa'kin.

"Edi hindi ako nakahinga." Irap kong sagot sa kaniya.

"Yaan mo na atleast namatay kang naamoy yung bulaklak niya." Sagot nito na ikinatawa ng mga kasama ko.

"Ewan ko sa inyo. Mga ampalaya."

"Atleast hindi marupok." Bulong ni Tiffany kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"I heard that."

"You did? Congrats then. May tenga ka." Poker face nitong sagot. Sinimangutan ko nalang siya.

"Himala ata, wala kang pangontra sa mga pang aasar namin. Na drained utak mo ghurl?" Tanong ni Shishi at hinila yung bowl na may lamang chips papalapit sa kaniya.

"May utak ka Arra?" Pang aasar ni Tiffany kaya nabato ko siya ng notebook na nasa harap ko.

Naka ilag naman agad ang bruha kaya hindi siya natamaan. "Sa susunod ayus ayusin ang pag bato ha, duling ka dzae?"

"Hindi, pilay. Tsk." Pikon kong sagot.

"Umuusok na ilong niyan oh. Tantanan niyo na." Saway ni Sheen na busy na din sa pag cecellphone niya.

"Oo nga. Baka mamaya mag walk out edi pare parehas tayong walang sagot sa math." Tinaasan ko naman ng kilay si Shishi.

"Siguro kaya niyo ako kinaibigan para may makopyahan kayo sa math noh!?"

"Hala..ngayon mo lang nalaman?" Pang aasar ni Shishi kaya hinampas ko siya sa braso.

"Walang hiya ka talaga." Pikon kong turan dito. Tumawa lang naman siya at sinasangga yung braso niya para hindi siya mahampas.

"Baby mo Tiarra oh papunta dito."

Napatigil naman ako sa pag hampas at tumingin kay Tiffany.

"Huh? Asaan?" Tanong ko at luminga linga.

When my eyes found her, I instantly smile. Kahit naka poker face siya ang ganda parin. Para siyang dyosang nag lalakad papalapit sa'kin.

"Bibig mo Tiarra isarado mo, baka mapasukan ng crocodile." Rinig kong saad ni Sheen kaya napalingon ako sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.

"Ganun ba kalaki yung bibig ko para mag kasya yung crocodile!?" Irita kong tanong dito. She just shrug at me and grin.

"Good afternoon Miss Agenta." Rinig kong bati ng mga kaibigan ko kaya nabaling ulit ang atensyon ko sa babaeng may berdeng mata.

A Complicated LoveWhere stories live. Discover now