Chapter Four

2.8K 100 7
                                    

Pabuntong hininga akong naupo sa kaharap na sofa kung saan mahimbing na natutulog si Richi

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pabuntong hininga akong naupo sa kaharap na sofa kung saan mahimbing na natutulog si Richi.

Paano ako uuwi? Tsk! Mamaaaaa!

Napanguso pa ako ng mapansing lamig na lamig ang tukmol.

Poor Richi..

habang tinitignan ko ang kawawang Richi ay biglang kumalap ang sikmura ko. Napangiwi ako saka napahawak sa tiyan ko.

Kumalma kayo! Wala tayo sa sarili nating bahay, oy!

Pagkausap ko bigla sa tiyan ko. Tumigil naman ito sa pag aalburoto kaya napasandal nalang ako sa sofa.

Kainis si Mama! Sabi ko na dapat kumain muna ako bago umalis, eh!

Napanguso nalang ako saka napatayo. Nagtingin tingin nalang ako sa bahay ni Richi para may pagkaabalahan at malimutan sandali ang gutom.

Malinis ang bahay ni Richi. Di mo aakalaing bahay 'to ng estudyanteng lalake. Kung ako lang siguro ang nandito malamang para 'tong binagyo sa dumi.

Ha ha ha! Natawa ako sa naisip.

Nagpunta ako sa kusina. Ewan. Nagugutom na siguro talaga ako. Tinignan ko ang bawat cabinet sa itaas ng lababo. Wala masyadong laman 'yon. At wala rin stocks ng pagkain.

Binuksan ko naman ang double door ref niya--opo. Double door. Pero pagbukas ko, puros iyon tubig!

Aba naman talaga!

Walang maluluto?!

Malungkot akong sinara ang ref.

Pagkatapos ay napatingin ako kay Richi. Tulog pa rin siya. Tapos ang bigat din ng paghinga niya. Napalabi ako saka naghanap ng maliit na towel. Kinailangan ko pa ngang hanapin ang kwarto niya para makakuha ng isa.

Mabuti nalang at malinis sa bahay si Richi. Wala akong nakitang mga ano sa kwarto niya..mga ano, alam niyo na.

Mga under garments!

Kinuha ko lang ang isang bimpo saka iyon inilagay sa basin na may rubbing alcohol. Mabisa daw ang alcohol sabi ni mama.

Pagkatapos ay inilagay ko na iyon sa noo niya. Gumalaw pa siya ng kaonti pero agad ring nakatulog.

Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung bakit mag isa lang sa bahay si Richi.

Nasaan ang mama niya? Papa? Lola? Lolo? Ate, kuya?

Sa kawalan ng sagot ay lumabas ako ng bahay at tumambay muna sa garage. May bench kasi doon. Nakita ko pa ang malaki niyang motor na puno ng putik sa bandang baba. Mukhang hindi niya pa to nalilinis simula kagabi.

Paano nga naman niya lilinisin kung may sakit siya? Tsk!

Pagkatapos ay napatingin ako sa bike ko na katabi lang nito.

Deal With The MafiaWhere stories live. Discover now