Chapter Three

3.3K 111 11
                                    

"Bagyong Ketong na nalasa sa buong bahagi ng Luzon ay inaasahang malulusaw sa mga oras na alas singko mamayang hapon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Bagyong Ketong na nalasa sa buong bahagi ng Luzon ay inaasahang malulusaw sa mga oras na alas singko mamayang hapon. Patuloy na maging alerto at mulat! Ito po si Cesi Gepa, nagbabalita!"

Napanguso nalang ako nang marinig ang balita. May nag inform na rin saamin sa messenger na wala daw pasok ngayon since binaha 'yong Teen High.

Masarap kong hinigop ang kape. Alas singko palang ng umaga at heto't mulat na mulat na ako. Akala ko kasi ay may pasok! Since ayaw kong ma late ay maaga akong nagising.

Pero ayon. Kung kailan sigurado akong hindi mali'late, saka naman walang pasok.

"Anong nangyari sa uniform mo, Sabel? Aba't bakit may mantsa ng pintura! Anong ginawa mo? Nag pintura kaba ng buong classroom at talagang ganoon kadami 'yon?"

Napairap nalang ako sa bunganga ni mama. Nasa may kusina siya at nagluluto ng agahan. Maliit lang ang bahay namin kaya naman dinig na dinig ko siya.

"Ma? Sinabi ko na sayo. Nata--"

"Tsk tsk! Kahirap pa naman tanggalin 'yon!" Birada nanaman niya.

Napabuga nalang ako ng marahan. Hindi na nagsalita pa.

Inubos ko nalang ang kape ko saka kinuha ang cellphone ko.

Aba, ang loko. Sineen talaga 'yong message ko.

"Ano nga ulit ang pangalan 'nong naghatid sayo kagabi?" Rinig kong tanong ni mama.

"Richi, ma."

Sagot ko na nasa cellphone parin ang tingin. Nag scroll ako thru facegram at nakita ang halos pare parehas na post ng mga kaklase ko.

Pictures ng baha sa kani-kanilang mga lugar.

Mabuti nalang mataas taas ang lugar namin kaya hindi binaha. Iyon nga lang, pag lumabas ka sa high way ay may baha na.

Nakita ko naman ang post ni Harold. Iyong nobyo ni Jean. Iyon lang kasi ang naiiba. Picture iyon ng video call nila ni Jean na may caption na,

'Isang araw kitang hindi makikita, sugar plum. Para akong mamamatay. Huhu.' Insert sad face and feeling lonely.

Napangiwi nalang ako. Nagbasa ako ng comments at puros 'sanaol' lang ang nababasa ko.

"Oh ito," bigla ay napatingala ako kay mama nang may iabot siya. Pagtingin ko ay supot iyon na mukhang may laman ng niluto niyang sopas.

"Dalhin mo 'to doon sa kaibigan mong naghatid sayo. Pasasalamat."

"Ehhhh???"

Aangal pa sana ako ng pagalitan ako ni mama. Agad tuloy akong umakyat sa kwarto at nagbihis. Nakapantulog pa kasi ako kanina.

Nakabusangot akong lumabas ng kwarto.

Mag aalas sais palang!

"Ma! Pwede bang kumain muna--"

Deal With The MafiaWhere stories live. Discover now