Chapter Twelve

1.9K 73 14
                                    

"A-Ano?"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"A-Ano?"

Nakita ko ang pag ngisi niya. Humithit ulit siya ng sigarilyo saka iyon binuga sa kung saan.

"Simple lang, hindi ba?"

Nag igting ang panga ko at napapakurap akong umiling. "Ayoko." I firmly said.

Hindi ako papayag. All my life, hindi ko kailanman ginustong mapasali o mapasama sa kahit anong frat o mga gang.

Gusto ko lang naman malaman kung anong nangyayari! Kung anong tinatago saakin ni Richi! Pero bakit parang ang hirap?

Humalakhak siya saka tumingkayad at naupo sa railings mismo. Pinigilan kong wag siyang sawayin. Si Elise naman ay nakasandal lang rin sa railings sa tabi nito.

"Ito ang unang pagkakataon na may tumanggi sa alok ko." Aniya bigla. Nakangiti pero alam mong naaasar.

Napalunok ako at napatiim bagang. "Oo nga't marami akong tanong, pero ayokong masali sa kahit anong mga gang--"

"Penumbra is not only a gang, Sabel." Biglang putol saakin ni Elise na ikinabaling ko sa kanya. Nakangiti siya saakin. "It's a family."

Family?

"Tsk. Tama na 'yang drama mo, Elise." Angil bigla ni Rima. Ang mukha niya ay tila nandidiri.

Ngumuso ang isa. "Totoo naman!"

Hindi nalang sumagot si Rima saka ulit bumaling saakin. "You sure you don't want to be part of our gang? Ibibigay ko sayo lahat ng impormasyong kailangan mo."

Sa sinabi ni Rima ay tila mas naguluhan ako. Malinaw saakin na may alam siya. Silang dalawa. Pero anong kailangan nila saakin? Bakit nila ko gustong isali sa Penumbra kung impormasyon lang naman ang kailangan ko?

Nagdadalawang isip ko ulit siyang tinignan. Nakatingin na siya ngayon sa baba habang humihithit ng sigarilyo.

"I knew it."

Sabay sabay kaming napabaling sa nagsalita. Agad nanlaki ang mga mata ko ng makita si Wesley!

Anong ginagawa niya dito?

Bagot siyang nakatingin kay Rima. Masama naman ang tingin kay Elise.

"Tsk. Sinabi ko na sayo, ayokong mag aral. Sumasakit ang ulo ko." Angil bigla ni Rima. Parang anytime susuntukin niya si Wesley.

"But you have to." simpleng sagot ng lalake. Bumaling siya kay Elise at ngumiwi ito.

"Sinabihan ko na siya, Lee. Ayaw niyang sumunod. Alam mo namang sayo lang sumusunod si Rim." Parang batang sumbong nito.

"Aish! Magsama kayong dalawa!" Inis na usal ni Rima saka ito padabog na bumaba mula sa railings! Tinapon niya ang upos ng sigarilyo saka inis na hinarap si Wesley.

"Sipsip ka talaga sa gurang na 'yon." Angil niya.

Ngumisi si Wesley na ikinanganga ko. First time kong makita 'yon!

Deal With The MafiaWhere stories live. Discover now