Chapter Thirteen

1.8K 64 9
                                    

Matapos kong sabihin na payag ako sa gusto ni Rima, ay biglang pumasok sa scenario si Elise

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Matapos kong sabihin na payag ako sa gusto ni Rima, ay biglang pumasok sa scenario si Elise. Nagtanguan ang dalawa saka ako pinasunod sa kanila.

Nagtataka naman akong pumasok sa isang kotse. Isang lalake ang nagda'drive. Sa rinig ko ay Luigi ang pangalan niya.

Mahigit isang oras rin siguro kaming nasa byahe. Nang makarating sa destinasyon ay abandonadong building ang bumungad saakin.

"S-Sigurado ba kayong dito talaga ang p-punta natin?" May takot kong tanong habang nakatingala sa mataas na gusali.

"Yup." Sagot lang ni Rima saka nauna ng naglakad.

Sumunod ang dalawa sa kanya.

Ako naman ay naiwang nakatayo sa entrada ng building.

Napalunok ako. Kinakabahan.

Hindi kaya..bubugbugin nila ko dito? Initiation?

Agad kong nayakap ang sarili. Nanlalaki ang mga mata. Napalunok nalang ulit ako nang maramdaman ang malakas na hangin.

Mali ka ata talaga ng pinasok, Sabel..

"Sabel? Tara na." Tawag ni Rima mula sa loob.

Alangan akong sumunod at naglakad papasok. Nang makalapit sa tatlo ay nakatingin na sila saakin.

"B-Bakit?" Tanong ko.

Nagkatinginan sila. "Hindi siya pwedeng makita." Usal ni Elise na ipinagtaka ko.

"Anong gagawin natin?" Iyong Luigi.

"Disguise." Ngising sagot ni Rima.

Nagulat nalang ako ng isuot nila saakin ang isang sumbrero, balabal at shades. Ngayon, ay mukha na akong artista na nagtatago sa publiko para hindi pagkaguluhan.

"A-Ano 'to?"

"Sa loob ko na ipapaliwanag. Tara." Usal ni Rima saka naglakad na ulit. Sumabay sa kanya si Luigi.

Inalalayan ako ni Elise. Hawak niya ako sa braso.

Hindi ko naman maiwasang panginigan ng takot. Dahil sa mga nangyayari. Wala akong ideya at naguguluhan ako!

"Relax, Sabel." Bulong ni Elise.

Naglakad kami patungo sa isang pasilyo. Pagkatapos ay pumasok kami sa isang banyo na maraming cubicle. Nagtataka lang naman akong nakatingin sa kanila.

Anong ginagawa namin dito? Naiihi ba sila?

Binuksan ni Rima ang pinaka dulong cubicle. Sinenyasan niya si Luigi na pumasok. Pagkatapos ay kami.

Alangan akong sumunod dahil ayokong pumasok sa iisang cubicle na may lalake! Nagsisimulang mag histerya ang laman loob ko. Hindi kami doon kakasyang apat! Wtf!

Pero nagulat nalang ako nang makitang wala na si Luigi sa loob ng cubicle. E-Eh?

Tumambad saakin ang isang itim na pintuan. Hindi kagaya ng building, hindi iyon sira sira. Mukhang bago iyon at malinis. Pero kataka takang tagong tago iyon rito sa pinaka dulong cubicle.

Deal With The MafiaWhere stories live. Discover now