Chapter Two

4.1K 106 3
                                    

"Richi! Sige na sabihin mo na! Sino 'yang nagugustuhan mo, ha?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Richi! Sige na sabihin mo na! Sino 'yang nagugustuhan mo, ha?"

Hindi ko alam kung pang ilang beses ko na 'yong tanong kay Richi. Pero ang tukmol eh hindi sumasagot! Aba't!

Agad akong sumimangot habang pabalik na kami sa klase.

"Eto napaka damot!"

Agad niya akong tinawanan. "Ang chismosa mo."

"Madamot ka lang!"

Binelatan niya ako na ikinanguso ko nalang. Napakadaya naman ng hamog na 'to!

"Ikaw ang daya mo. Alam mo ngang crush ko si Wesley 'eh." Nagtatampong saad ko. Napakadaya talaga! Grrrr!

Ngumiwi siya. "Lahat naman ata ng babae rito may crush 'don."

"Oh kaya nga!" Mas lumabi ako. "Dali na kase."

Pero sa halip na sagutin ako ay iniwanan lang ako nito sa harap ng classroom ko. Sa bandang dulo kasi ang classroom niya kaya't inihatid niya na ako.

"Madaya!" Sigaw ko pa.

Nakita kong nag angat lang ito ng kamay pagkatapos ay nag 'ok' sign. Ni hindi man lang ito lumingon!

Inis akong pumasok sa room. Agad ko namang nakita si Jean na nasa upuan niya na at panay na ang make up. Tumabi ako sa kanya. Ibinaba ko ang bag ko saka humalumbaba.

Wala pa ang prof kaya may time pa kaming mag paka hayahay.

Dumating rin naman ito pagkaraan ng ilang minuto. Nag discuss ng hindi ko maintindihan na numbers.

Syempre, hindi mawawala doon ang kamalasan ko.

Tinawag lang naman ako ni Prof para sagutan ang problem sa board. Syempre ulit dahil hate ko talaga ang math at hate rin naman ako nito, ay wala akong naisagot. Napagalitan lang ako ni Prof.

Kasalanan ko bang mahina ako sa problem solving?! Huhuhu!

Muslot ulit akong lumabas ng room ng mag uwian na. Pero nasa pinto palang ako at hayon! Bigla akong nabundol ng kung sino! Worst, may dala siyang pintura.

At alam niyo na ang sumunod na nangyari.

"Hala, sorry!" Nanlalaking matang usal nito.

Napatingin ako sa uniform ko at puno na ito ng pulang pintura. Para tuloy akong galing sa isang crime scene at may pinatay!

Nakahilag nga ako sa samalamig kanina, pero ang kapalit naman ay pintura!

"Sorry, Sabel!"

Napabuga nalang ako ng malalim saka tinanguan nalang si Jake. Iyong matabang lalake sa kabilang section.

Umalis na ako sa 'crime scene' at naglakad palayo habang madaming napapatingin saakin.

Syempre! Makakita kaba naman ng taong may pulang mantsa sa damit!

Deal With The MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon