Nakakainis! Nakakainis!
Ano ba 'yong ginawa mo, Sabel? Kung tiniis mo nalang sana ang landian nila, may nakuha ka sanang impormasyon!
Wala tuloy akong naibalita kina Rima. Ganoon parin ang alam namin. Na kasama si Richi sa final game. Haaaaaay. Sana hindi magkaroon ng problema aa Hell Game gayong wala kaming nakuhang mga impormasyon.
Hindi ko na alam kung nakailang buntong hininga ako. Dumiretso nalang ako sa library at mas piniling maupo sa pinaka dulo at magbasa ng kung ano ano.
Walang pumasok na mga professors dahil nagkaroon ng general assembly sa darating na intramurals 2 weeks from now. Kaya naman mag isa lang ako't bagot na bagot. Umuwi na rin naman si Jean dahil may gagawin pa raw siya.
Bumuntong hininga ulit ako kasabay ng paglipat ko ng pahina ng librong binabasa ko. Or should I say, tinitignan ko.
"Sup, partner!"
Napatingin ako sa tumawag at hindi na nagulat nang makita si Luigi. Prente siyang naupo sa tabi ko at inagaw ang librong tinitignan ko.
"Nagbabasa ka nito? Wow." Natawa siya. "Anatomy 'to, Sabel."
Siniringan ko siya. Alam ko naman kasing alam niya na hindi ko 'yon binabasa.
"May iniisip kana naman?" Nakangusong tanong niya. "Nasaan nga pala si baby jean?"
Baby?
Napataas ang gilid ng labi ko sa turan niya. Pinigilan kong matawa.
"Baby?"
"Yeah," ngumiti siya ng pagkatamis tamis. "Hindi ko siya nakita. Kulang bitamina ko." Parang batang aniya.
Natawa na ako ng tuluyan saka natampal ang noo niya. "Umuwi na siya. Sana inagahan mo. Nandito 'yon kanina."
"Busy sa race 'eh." Sagot niya.
"You're racing?"
Tumango siya bago inihiga ang ulo sa desk. Nakaharap ang ulo niya saakin habang ang tingin ay nasa mga libro sa gilid namin.
"Yup," napabuntong hininga siya. "Kinailangan ko kasing sabihan sa mga kasama ko na hindi muna ako makakasama sa race."
Nangunot ang noo ko. "Bakit?"
Sinimangutan niya ako. "Dahil sa Hell Game." Pabulong na aniya. Inilapit pa ang mukha saakin. "Ginaganap iyon kasabay ng yearly race namin."
Napatango tango nalang ako.
"By the way," tinitigan niyang maigi ang mga mata ko. "Ba't may eyebags ka?"
"H-Ha?" Nahawakan ko ang mukha ko.
"Laki niyan 'ah? Alagang alaga." Natatawang aniya.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Gago!" Singhal ko.
Pigil na pigil ang halakhak niya habang nakahiga parin ang ulo sa desk.
YOU ARE READING
Deal With The Mafia
Teen FictionYsabella Narciso is a walking disaster. Isa siyang malas-magnet. That's why Richi-her friend is always there to help her out. But what if..Ito naman ang mangailangan ng tulong niya? Would she be brave to face a bunch of gangsters? Would she be bra...