Chapter One

6.6K 153 0
                                    

Simula

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Simula


KUMARIPAS ako ng takbo patungo sa respective class ko. Marami na akong nabubunggo pero iniinda ko lang iyon at patuloy lang sa pag takbo.

"Sabel hinay hinay!" Malakas na sigaw ni Toni-ang isa sa mga kapit bahay namin nang matakbuhan ko ito sa classroom niya.

Umiling nalang ako saka agad na umakyat patungo sa 3rd floor! Yes! 3rd floor!

Nang makatungtong doon ay agad akong hiningal. Nagmamadali akong naglakad sa pinaka dulong parte kung saan ang classroom ko.

"So as for today, ayoko ng late--"

Aligaga kong binuksan ang pintuan ng classroom. Agad silang napatingin saakin lahat. I firmed my lips then smiled.

"Good morning, Ma'am!" Masaya kong saad kahit hingal na hingal pa.

Naningkit saakin ang mga mata ni Ma'am Asunta. "Late kana naman, Ysabella Narciso."

Nakamot ko ang batok habang papunta sa upuan ko. "Sorry po. Hehe."

"Next time, I won't tolerate you again, Sabel."

"Opo." Nakayuko ko ng saad.

Nagsimula ulit ang klase. Siniko naman ako ni Jean. Ang isa sa mga kaibigan ko.

"Late kana naman, girl." Bulong niya.

"Maaga akong nagising ah." Depensa ko agad.

Paano? Maaga akong nagising pero heto't na late parin ako! Nakakainis kasi antagal 'nong bus kanina!

Napa tsk tsk si Jean saka nagsulat na ng lecture niya. Napalabi nalang ako saka nagsulat na lang rin.

Nang mag lunch time ay agad akong nagtungo sa canteen. Since may boyfriend si Jean--which is si Harold ay ako lang lagi ang kumakain mag isa.

Wala namang kaso 'yon saakin dahil sanay na ako. Feeling ko rin naman eh ayaw akong kasabay 'nong Harold dahil sinusundan daw ako ng malas.

Oo. Ng malas.

Kagaya ngayon.

Naubusan ako ng paborito kong pakbet. Iyong kanin rin daw na natira eh puros kinayod na. Okay lang naman iyon saakin pero ang malas ko parin talaga.

Ang aga aga ko na nga, naubusan pa ako ng pagkain!

"Hoy, Sabel!"

Agad akong napasubsub nang may umakbay saakin. Paglingon ko, nakita ko ang malaking ngisi ni Richi. Ang kilala bilang careless guy rito sa Teen High Academy.

Napalabi agad ako. "Ano nanaman, Mr. Angeles?"

"Cutting tayo?"

Agad ko siyang sinapak. "Loko kaba? Wag mo kong idamay oy!"

Natawa siya sa sinabi ko. "Tsk. Anong kamalasan ang nangyari sayo ngayong araw?"

Napangiwi nalang ako. Pag ito talaga nakakasalamuha ko, laging tanong saakin ay kung anong kamalasan nanaman ang dumikit saakin!

Deal With The MafiaWhere stories live. Discover now