Chapter Nineteen

1.4K 60 10
                                    

"Then

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Then..Pwede ba kitang ligawan?"

Agad akong napaubo sa tanong ni Richi. At since kakasubo ko lang ng kanin ay lumusot iyon sa ilong ko! Tangina!

"H-Hoy, Sabel! Joke lang!"

Ubo na ako ng ubo hanggang sa naluluha na ko. Kinuha agad ako ni Richi ng tubig. Ininom ko iyon at doon lang ata nawala ang bara sa lalamunan ko.

Naluluha ko siyang tinignan. Inis na inis. siya nama'y nakangiwi lang. Hindi alam kung mangingiti o ano.

"Siraulo ka." Hindi magandang biro 'yon! My heart!

Ngumuso siya. "Sorry na agad." Pagkatapos ay bigla ring ngumiti. "Namiss ko 'yang kamalasan mo."

Mas sinamaan ko lang siya ng tingin. Tangina. Nag eenjoy pa siya sa kamalasan ng iba? Aba naman.

Tinapos na agad namin ang kinakain. Pagkatapos ay naglakad na ulit kami pabalik sa campus.

"Sabel,"

"Hmm?" Nakangiti kong sagot.

Narinig ko ang bahagya niyang pagbuntong hininga kaya naman napabaling na ako sa kanya. Nakatingin rin siya saakin kaya naman otomatiko kaming napahinto sa mismong harapan ng campus.

"Paano kapag.." Narinig ko ang paglunok niya. "Nalaman mo na may hindi ako sinasabi sayo?"

Nawala ng tuluyan ang ngiti ko. Napakurap ako at hindi alam ang isasagot sa kanya.

Tungkol ba sa Onyx ang tinutukoy niya?

Naputol ang pag iisip ko nang malakas na tumunog ang phone niya. Kinuha niya iyon at agad na binasa ang tingin ko'y mensahe.

Nakita ko kung paanong napatiim bagang siya. Tila galit sa nabasa. Ano 'yon?

"S-Sino 'yan?" I asked.

Pinilit niyang ngumiti saakin saka ginulo ang buhok ko. "Mauna kana sa klase mo. May emergency akong pupuntahan."

"O-Okay."

Pagkatapos no'n ay nakangiti siyang tumalikod saakin at lumihis nang pupuntahan. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa nawala siya sa paningin ko.

Saan kaya ang punta niya? Sa Hidden City?

Napabuntong hininga nalang ako. Tanaw parin ang nilakaran niya.

Mag ingat ka, Richi.

Tumalikod na ako't naglakad papasok sa campus, pero hindi pa man din ako tuluyang nakakapasok nang may biglang nagsalita sa gilid ko.

"Did you already forgot what we discussed?"

Otomatiko akong napahinto. Nakagat ko ang pang ibabang labi bago lumingon kay Wesley na nakasandal sa pader. Wala ang tingin niya saakin pero nasisiguro kong ako ang kausap niya.

Deal With The MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon