Chapter Sixteen

1.7K 59 8
                                    

Pagkatapos ng klase kinahapunan ay agad akong nagtungo sa parking area

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pagkatapos ng klase kinahapunan ay agad akong nagtungo sa parking area. Doon ay nakita ko si Luigi sakay ng kan'yang kotse. Nakangiti siya saakin at kumakaway.

Huminga muna ako ng malalim saka mabilis na sumakay sa shotgun seat. Agad niya iyong pinaharurot.

"Nakapag decide kana?" Tanong niya. Wala ang tingin saakin pero naroon parin ang ngiti.

"Oo." Sagot ko. Desidido. "Nasaan pala si Rima?" Nagtataka kasi ako kung bakit hindi siya ang sumundo saakin.

Humalakhak ito saka ngumiwi. "She's with Lee. Nasa library sila ng Hidden City."

"Library?" Takang tanong ko. Nakakunot ang noo.

"Yup." Ngumiti siya. "As usual. Tinututor'an niya si Rim."

Tutor?

Tutor ni Rima si Wesley?

Hindi nalang ako nagtanong pa. Baka kasi isipin niya ay masyado akong chismosa. Hindi na ulit kami nagkausap pagkatapos no'n. Saktong alas singko y medya nang makarating kami sa abandonadong lugar. Nang makapasok kami ay doon ko lang talaga mas nakita ang loob noon. Sobrang sira na ang paligid at nagkalat ang mga basag na bintana.

"Paanong nagkaroon ng barrier ang hidden city?" I asked out of nowhere habang patungo kami sa banyo kung nasaan nandoon ang pintuan.

Narinig ko ang pag ngiti ni Luigi saka nagkibit balikat. "I don't know."

Napangiwi ako. "Hindi ko akalaing posibleng makagawa ng city na hindi alam ng gobyerno." Nagtataka paring ani ko.

Kapag kasi titignan sa labas, parang isang malaking dome ang Hidden City. Aakalain mong isa iyong arena sa sobrang laki at lawak ng sakop.  Pero ang hindi alam ng mga tao, ay isa iyong tagong syudad ng mga gangsters.

He chuckled. "Si Phoenix lang ang nakakaalam niyan."

Napabaling ako sa kanya. Phoenix? Sino 'yon?

Hindi na ako nakapagtanong pa ulit nang nasa harap na kami ng cubicle. Pinauna niya ako at sumunod naman siya agad.

Nang makapasok kami ay pinakita namin ang tattoo. May I.D na pinakita si Luigi na wala ako, pero nakapasok parin kami.

"Para saan 'yan?" I asked noong naglalakad na kami.

"It's just an I.D. Magkakaroon ka rin nito mamaya." He smiled then tumingin na ulit sa daan.

Habang naglalakad ay may nakasalubong kaming grupo ng mga kalalakihan. Pawang puno ito ng mga tattoo sa katawan. Kulang nalang ay pati sa mukha nila ay lagyan.

Nagtawanan ito nang makita kami ni Luigi. "Iba nanaman 'yan Luigi, ha?"

Natawa naman ang katabi ko. "Gago."

The guy in the middle tapped Luigi's shoulder while laughing. Pagkatapos ay saka ito mga umalis.

"Sino ang mga 'yon?"

Deal With The MafiaWhere stories live. Discover now