Chapter Fourteen

1.7K 74 7
                                    

Nang mag alas singko ulit kinabukasan ay mabilis akong nagtungo sa parking lot

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nang mag alas singko ulit kinabukasan ay mabilis akong nagtungo sa parking lot. Naroon na ang sasakyan ni Rima kaya naman nagdire-diretso ako doon at sumakay.

"Seatbelt." Ani niya saka minaniobra ang sasakyan.

Mabilis ko rin naman siyang sinunod saka inilabas ang cellphone ko. Nagtext kasi si Richi kanina pero hindi na ako nakapagreply kamamadali.

"Richi?" Biglang tanong ng katabi ko. Seryoso ang mukha.

Tumango lang ako bilang sagot bago nagtipa.

From Richipooot
Where you at?

To Richipooot
May dadaanan ako.  Umuwi kana.

Iyon lang at tinago ko na ang cellphone ko.

Tumingin nalang ako sa daan at itinuon ang buong atensyon doon.

Hindi nasabi saakin ni Rima kung saan ang punta namin. Though may duda na ako na baka doon ulit sa Hidden Gem.

Napabuntong hininga ako nang maalala ang nangyari kahapon. Napababa ang tingin ko sa kaliwa kong kamay, sa pala pulsuhan kung saan nilagyan ng tattoo ni Luigi.

 Napababa ang tingin ko sa kaliwa kong kamay, sa pala pulsuhan kung saan nilagyan ng tattoo ni Luigi

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Example ng tattoo ni Sabel. But not as huge as that. Maliit lang. Kalaki ng 5 cents.)

It's a Lunar eclipse. Simbolo daw iyon ng Penumbra. Lahat daw silang kasama sa circulo ay may ganoong tattoo.

Mabuti na nga lang at sobrang liit no'n at hindi halata. Kundi, lagot ako kay mama at papa.

Iyon nga lang ay mapula parin iyon hanggang ngayon. Kaya naman nakasuot ako ngayon ng longsleeve jacket na may hood para maitago pansamantala.

"You'll get use to this." Biglang basag ni Rima sa katahimikan. Bumaling siya saakin saglit bago ulit tumingin sa daraanan.

Matunog akong bumuntong hininga bago nagsalita. "Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mo 'kong isama sa circulo, gayong impormasyon lang ang kailangan ko." Lakas loob kong saad. Wala ang tingin sa kanya kundi nasa harapan mismo.

Deal With The MafiaWhere stories live. Discover now