Chapter Eleven

1.8K 75 11
                                    

Naging usap usapan ang nangyaring 'yon nang mag lunes

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naging usap usapan ang nangyaring 'yon nang mag lunes. Nagkaroon ng pagpupulong ang school commitee. Meroon ring nag iimbestiga sa kung paanong nakapasok ang alcoholic beverage sa seniors night.

Naging busy karamihan sa mga teachers kaya naman wala kaming masyadong klase. Sa walo siguro naming professors, dalawa lang ang nagturo.

"I really can't believe what happened. Imagine? Nalasing tayong lahat! Tapos pinagkukuhanan tayong lahat ng pictures!" Histerya na sigaw ni Jean habang palabas kami ng classroom.

Yup. Lahat ng nalasing nang gabing iyon ay kinuhanan ng litrato ng kung sino. Ang malala pa doon ay pinakalat iyon sa buong Teen High. Pinagdidikit iyon sa lahat ng classrooms. Iba't ibang mukha. Iba't ibang pagka wasted ang nakita.

Habang naglalakad kami ay nakasalubong namin bigla si Fate. Ang pinaka mahinhin at tahimik sa klase namin. Yukong yuko siya at namumugto ang mga mata. Ang naka braide niyang buhok ay gulong gulo.

Sa lahat kasi ng nalasing, si Fate ang pinaka maraming pictures doon. Nagkalat ang litrato niya sa loob at labas ng campus. Ang mas nagpalala pa roon ay wala siyang suot na maskara kaya't marami sa kanya ang nakakilala.

Mabuti nalang at natanggal na lahat ng pictures kaninang umaga. Pero may ibang nakakita na kaya't mabilis ring kumalat.

Sa lahat ng pictures kasi ay wala siya sa sarili at ibang tao siya. May nakuhanan pa doon na tinanggal niya ang suot na bra at ipinaikot ikot iyon sa ere habang tawa ng tawa.

"I feel bad for her. Nalasing lang siya. Lahat naman tayo pag nalalasing nagiging wild." Malungkot na bulong ni Jean nang makalampas na saamin si Fate.

Napahinga nalang ako ng malalim. Problemadong problemado.

"Oh! Ikaw pala hindi nalasing 'no?" Bigla akong niyugyog ni Jean sa braso. "Anong mga nakita mo no'n? May napansin kaba? I'm sure nakita mo na lahat kami lasing na."

Nakagat ko ang pang ibabang labi saka bahagyang nag isip. "Hindi ko rin alam. Basta hinila lang kita at inuwi sainyo."

Nang makita ko kasi no'n na lasing na lahat ay mabilis kong hinanap si Jean. Mabilis ko rin naman siyang nakita dahil nasa pinaka gilid lang siya at tinutungga iyong mountain juice habang malakas na tumatawa. Hindi niya rin no'n kasama si Harold kaya't mabilis ko siyang nakuha at tinawagan ang parents niya. Mabuti nalang at nasa emergency calls ang mga ito.

Lumabi si Jean saka napasandal sa van na nasa harap niya. Iyon na ang sundo niya. "Mabuti nalang talaga hindi ka nalasing."

"Hindi naman kasi ako uminom noong mountain juice." Sagot ko.

Kalat na sa Teen High na may alcoholic drugs na nilagay sa mountain juice. Iyon ang dahilan kung bakit nalasing lahat ng estudyante.

Ang problema nalang, ay kung sinong may pakana no'n.

Deal With The MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon