Chapter Eighteen

1.5K 57 9
                                    

Hindi na ata ako nakapag focus sa ensayo nang dahil sa nakita

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi na ata ako nakapag focus sa ensayo nang dahil sa nakita. Sinikap kong mag concentrate pero mas lalo lamang akong pumapalya.

"Focus, Sabel." Asik nang turan ni Rima.

Tagaktak na ang pawis naming dalawa habang nag s-sparing. Kulang nalang ay bumagsak ako sa rito sa ring dala ng pagod.

"Sorry." Hinihingal kong sagot.

"I need you to focus. Bukas ay magsisimula kana sa pagmamanman sa onyx. Ayokong pumalya ka rito." Seryoso niyang usal. "Isantabi mo muna iyang iniisip mo at alalahanin mo si Richi."

Napalunok ako't napatango.

Bukas na ako magta-trabaho 'kuno' sa Uptown Bar sa loob ng Hidden Gem City. Magiging waitress ako doon, pero ang totoo ay mamanmanan ko ang Onyx. Lagi raw nandoon ang buong gang gaya ng turan ni Rima.

"Hindi ka pwedeng pumalpak dito, Sabel. Hindi rin nila pwedeng malaman ang katauhan mo. Kaya please, husayan mo pa."

Sunod sunod ang pagtango ko.

Aside from spying on them, kailangan ko rin mag disguise. Dahil sa oras na malaman ng Onyx na kasapi na ako--si Ysabella Narciso-- ng Penumbra, ay makakatunog ang mga ito na may balak akong tulungan si Richi.

Hindi nila pwedeng malaman. Kapag nangyari iyon, hindi ko na matutulungan ang kaibigan ko. Katapusan ko na.

"You're Bella from now on. Ipakita mo saakin si Bella, na siyang kasapi ng Penumbra." Nakita ko ang sandaling pag ngisi ni Rima nang sabihin iyon. Mas lalo tuloy akong nadetermina.

Itinaas ko ang espadang hawak at tumakbo sa gawi niya. Nagkalansingan ang mga hawak namin. Bigla siyang umikot dahilan para magkahiwalay iyon at mapaatras ako.

Pero hindi doon natapos. Sumugod siya saakin na agad kong nahilagaan. Itinaas ko ang espada na agad niyang ring nasangga gamit ang kan'ya.

Sumilay ang ngisi niya dahil doon.

"Not bad."

Naitulak niya ako gamit ang espada niya. Agad akong bumagsak sa sahig. Hingal na hingal. Pumaibabaw siya saakin at itinutok ang espada sa leeg ko.

Bago ko pa man makita muli ang ngisi niya ay tinuhod ko ng bahagya ang tagiliran niya upang makawala. Napaigik siya dahil doon. Iyon ang oras na ako naman ang pumaibabaw. Hinigpitan ko ang hawak sa espada saka ko idinikit iyon sa leeg niya.

"Not bad." Panggagaya ko. Sandali kaming nagkatinginan. Parehong hinihingal. Pagkatapos ay sabay ring napangisi.

"Are we missing something?" Narinig ko ang boses ni Luigi sa di kalayuan.

Tumayo na ako at tinulungan si Rima. Bumaba kami sa ring at lumapit sa tatlo. Kina Luigi, Wesley, at Elise.

"Nakabili ba kayo?" Tanong ni Rima. Inutusan niya kasi ang mga ito kaninang bumili ng gagamitin ko para sa disguise.

"Yep!" Masayang usal ni Elise. Ibinaba niya ang tatlong paper bag sa lamesa. "Nariyan na lahat."

Kinuha agad iyon ni Rima at tinignan ang loob. Napakunot nalang ang noo ko ng ilabas niya ang isang..wig.

Napakurap ako.

"Nice." Usal ni Wesley. Nakangisi saakin.

Napangiwi ako. Kung crush pa sana kita hanggang ngayon, mamamatay ata ako sa kilig.

"Babagay 'yan sayo, Sabel." Si Elise na agad kinuha kay Rima ang wig at inilagay sa ulo ko. Napapalakpak siya't bigla akong iginaya sa malaking salamin.

"Tada!"

Napatingin naman ako sa sarili ko. Since nakatali ang mahaba kong buhok kanina pa, ay nailagay ng maayos ang wig. Itim na itim iyon at hanggang balikat. May bangs rin.

At isa lang ang masasabi ko,

Para akong si Nanno ng Girl from Nowhere.





Hindi pumasok kinabukasan si Jean. Nag alala tuloy ako. Agad ko siyang tinawagan at sinabi niya namang nilalagnat daw siya kaya't hindi siya nakapasok.

But I doubt it.

I'm sure dahil iyon kay Harold.

Lumabas ako ng room dahil lunch time na. Malayo ang iniisip ko kaya naman nagulat nalang ako nang makitang nakatayo na si Richi sa harapan ko.

Napapakurap ko siyang tiningala.

"Richi.."

He smiled at me bago ako inakbayan. Naglakad kaming dalawa. More like, hinihila niya ako.

"Hoy, Richi.." Usal ko. Hindi nagsasalita ang mokong!

Nang wala akong makuhang tugon ay agad akong huminto kaya naman napahinto rin siya. Tinanggal ko ang pagkakaakbay niya saka siya siningkitan ng mga mata.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

Kunwari siyang nag isip. Nakangiti parin. "Sabay tayong maglunch?"

Napangiwi ako. Agad ko namang naalala ang tugon ni Rima. Na kailangan kong layuan si Richi pansamantala.

Nakagat ko ang pang ibabang labi. Hindi alam ang sasabihin. Nang mag angat ako ng tingin ay nakatingin parin siya saakin.

"C'mon, namimiss ko na ang Sabel baby ko." Usal niya na ngumuso pa.

Natawa nalang ako saka napailing. Pero hindi nagtagal ay tinanguan ko nalang siya.

Okay. Just this one Sabel. Ito lang. Namiss mo rin siyang gaga ka 'eh. Pagkatapos nito, iiwasan mo muna siya.

Nagtungo kami sa labas ng campus. Sa lagi naming kinakainan. Sa EatSpace. Nang maka order kami ay agad kaming pumwesto sa lagi rin naming pinupwestuhan.

"Oh? Si tuod 'yon oh." Usal bigla ni Richi habang kumakain kami. Napalingon ako sa tinitignan niya and I saw Wesley walking seriously. Hindi nakatakas saakin ang bahagya niyang paglingon sa gawi ko at ang pag iling iling niya bago siya tuluyang nawala sa paningin ko.

Kung dati ay kilig ang nararamdaman ko kada makikita ko siya, ngayon ay kaba at takot na.

Shit. Nakita niyang magkasama kami ni Richi. Isusumbong niya ba ako kay Rima?

Agad akong napaubo at napainom ng tubig.

"Oy? Hindi ka ata nangisay diyan? Crush mo 'yon diba?"

Napatingin ako kay Richi at nginiwian siya. Pagkatapos ay sinikap kong ngumiti at umiling.

"H-Hindi na. Study first."

"Wow. Bago 'yon ah? Tatakbo ka bang cumlaude?"

"Gago." Sinamaan ko siya ng tingin. Tumawa lang naman ang mokong.

"Pero tama 'yan, Sabel. Bata kapa." Saka siya ngumisi at kumindat.

"Says someone na bata parin naman pero andami ng ex?" Pambabara ko. Itinuro ko pa sa kanya ang tinidor na hawak ko.

Nangiwi siya. "Wala nga akong ex."

"Tssk."

"Wala akong proper ex." Sagot niya na ikinatawa ko. Natawa rin siya.

"Sila nga lang kasi 'tong makulit, Sabel baby. Ni wala pa nga akong nililigawan eh!" Usal niya sa tonong tila nagsusumbong.

"'Edi manligaw kana." sagot ko nalang saka sumubo. Ang sarap sarap naman talaga ng pinakbet ni Mamang.

"Then.." Narinig ko ang paglunok niya bago ulit nagsalita. "Pwede ba kitang ligawan?"

Deal With The MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon