Chapter Twenty Three

1.5K 60 0
                                    

Isang linggo

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.

Isang linggo.

Isang linggo na ang nakakalipas simula noong may nangyari sa Uptown bar. At isang linggo ko na ring pinagtataguan si Richi.

Lagi siyang nag aantay saakin pagkatapos ng klase. Which is nahihirapan akong pagtaguan siya minsan. Minsan rin ay kahit nakita ko na siya ay iiwas ako.

Sobrang bigat sa pakiramdam habang ginagawa ko 'yon.

I feel bad but this is for his sake.

Wala namang ginawa saakin si Allen. Siguro rin ay nagiisip o di kaya'y naghahanda siya ng gagawin saakin. Ni hindi ko rin siya nakita sa campus.

But I'm not actually worried. Aside sa marunong na akong ipagtanggol ang sarili ko, ay nariyan si Luigi.

Hindi man halata pero batak siya sa labanan. Nakita ko na silang naglaban ni Wesley noong isang araw. Practice. At masasabi kong malakas silang dalawa.

Hanggang ngayon rin ay wala pa kaming nakukuhang impormasyon tungkol kay Allen. Mukhang wala talagang sekreto ang gago na 'yon.  Kalat naman kasi ang mga tungkol sa kan'ya.

"You tired?" Asked Luigi. Nagpupunas siya ng pawis.

"Hindi pa naman." Sagot ko saka sinuntok ang punching bag na nasa harapan ko.

Kanina pa kami nandito gym--sa mismong bahay ni Rima. Sa tatlong araw na nakalipas ay lagi akong nag eensayo. Kasa kasama ko si Luigi na tinuturuan ako kung paano gumamit ng pisikal na lakas na walang gamit na armas. Mabuti nalang rin ay kami lang dalawa ang nandito sa kwarto kung saan may malawak na ring.

"Guys,"

Napalingon kami sa dumating and saw Rima. Nakasuot siya ng leggings at sports bra. Seryoso ang tingin niya saamin.

"It's been 3 days at mukhang hindi gagana ang first option natin."

"So it is option two, then." Si Luigi sabay ngisi. Inaayos ang suot niyang gloves.

Lumapit saamin si Rima at malakas na sinuntok ang punching bag na kanina lang ay pinagdidiskitahan ko.

"Hell game is fast approaching. 2 weeks from now, magsisimula na 'yon. Kailangan na nating mag ensayo ng todo." Humingal siya bago ulit sinuntok ng pagkalas kalas ang punching bag. Feeling ko tuloy ay si Wesley iyon at doon niya nalang inilalabas ang init ng ulo niya rito. Lagi kasi silang nag aaway na dalawa at laging si Rima ang talo.

"Alam na ba nila?" Luigi asked. Pertaining to the other members of our gang.

"Hindi pa. I'll inform them sa HQ. Kayo palang ang nakakaalam." Bumaling siya saakin. "Dumiretso na kayo sa Uptown mamaya. We need to know kung sino sino ang magpa-participate sa kanila. Sinabihan ko na rin sina Miyuki na manmanan ang HQ nila kung sakaling mayroon doon mahahanap na mahalagang impormasyon."

"Okay." I answered then nod.











"Wala pa ba sila?"

Napahinga ako ng malalim saka napailing sa tanong ni Luigi. "Wala pa." Sagot ko.

Deal With The MafiaDove le storie prendono vita. Scoprilo ora