You Belong With Me [Chapter 4: Bestfriend pt. 2]

2.4K 27 0
                                    

Ano ba naman yan kasi! Namumula na ako sa kahihiyan dito! Kung anu-ano na naman ang sinasabi ng mga parents ni cyrus. Sila Mama at Daddy naman tawa lang ng tawa. Inaasar din nila ako. Ihahanda na daw nila ang wedding dress ko. Kung ilang apo ang gusto nila. Sabi pa ni Tito dapat daw makabuo kami ng kambal kasi yun daw ang gusto niya pati na rin ni Mama. Hindi ko nga alam kung bakit hindi sila nagkatuluyan kung close na close naman sila.

"Tito, niligawan mo ba si Mama?" Nagulat sila sa tinanong ko tapos tumawa silang lahat.

"Naku! Kahit kuko man lang ng Mama mo hindi ko nagustuhan! Buti nga at napagtiyagaan ng tatay mo yan! Jusko! Parang baboy kung kumain. Barang baka kung humilik. At may mabahong paa!"

"Tumigil ka nga diyan! Excuse me! Hindi mabaho ang paa ko!" Tapos tawanan ulit.

Ang cute naman nila.  Hindi daw talaga sila nainlove sa isa't-isa. Pinagselosan pa nga daw ni Tita si Mama kaya muntikan ng hindi matuloy ang kasal. Tinawanan lang ni Mama si Tita tapos sinigurado na magbestfriends lang sila ni Tito Andrew.

Mukhang ganoon lang din ang kakahinatnan namin ni Cyrus. At mukhang pangarap na lang ang wedding dress ko at ang kambal na apo nila. siguro may kambal pa rin pero si Nadine ang nanay.

"Mukhang nagkakasayahan kayo dito"

"Syempre naman. Wag mo na kaming intindihin. Asikasuhin mo na yung mga bisita mo."

*giggling* Problema ng mga mag-aasawang ito? Parang mga bata ah. Nag-uusap sila kaso hindi ko lang marinig kasi bukod sa malakas yung music eh nagbubulungan lang sila. Naku! Mukhang pagtripan lang kami.

"Oi. tara. Papakilala kita sa mga kaibigan ko."

Nagpumiglas pa ako. Nagdahilan ako na kilala ko naman na yung mga friends niya kaya hindi na kailangan ng pagpapakilala. Eh sa gusto niya daw akong ipakilala. Psh. Kaasar. Kung anu-ano na naman ang sasabihin ng mga kaibigan niya feeling at yung mga kaibigan ni Nadine na malalandi.

"Mga dude, honey. Best friend ko."

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon