You Belong With Me [Chapter 1: The Beginning]

14.4K 80 14
                                    

She showed them what true love means. She loved them. She hated them. She cried for them.

She was already giving up until she saw hope. When can he see that he belongs with her?

Wait.

Who belongs with whom?

[A.N: This was the first story I wrote after ma-reformat yung computer namin. Thanks at napadpad ka dito! Hehe. Comment and vote if you like!]

Chapter 1

  She's a SUPERSTAR while I'm just your ordinary girl. Wala talaga akong panama kay Nadine Marie Villanueva. Siya yung cheerleader ng pep squad ng school namin, sikat na sikat siya, maganda, sexy kaya nga maraming nagkakagusto sa kanya. Kasama na doon ang first love ko, si Cyrus Louie De Castro. Ako? Sino ba naman ako. Kuko pa lang ni Nadine wala na akong maipantatabla. Hindi naman sa naiinggit ako. Siguro nga minsan pero hindi ko naman hiniling na maging siya. Masaya na ako sa kung sino ako. Tss. Naguguluhan na din ako.  Ilang taon na akong may gusto kay Cyrus. Hindi na nga ata GUSTO ang tawag sa nararamdaman ko LOVE na ata. Kung ano man ang nararamdaman ko ay mukhang hindi na maibabalik sa akin.

Magkakakilala na kami ni Cyrus bata pa lang kami. Grade 3 ako nang magsimulang magkagusto sa kanya. Niligtas niya kasi ako. Siya ang knight in shining armour ko noong bata pa ako. how I  wish siya si Recca at ako ang Prinsesa niya. Pero hindi naging ganun. Parang ako si Aira na hanggang kaibigan na lang. Paano ba niya ako niligtas? May outing kasi sila Mama at yung mga high school friends niya. Mag best friend si Mama pati yung Daddy ni Cyrus. Pumunta kami sa isang resort sa Batangas. Medyo pasaway talaga ako noong bata ako kaya kung saan-saan ako pumupunta. Magaling talaga akong lumangoy kaya kampante ako na hindi ako malulunod. Kaya lang may nangyari at kahit gaano pa kagaling ang isang swimmer malulunod siya.

Cramps.

Ang sakit ng binti ko. Triny ko na lahat ng survival tips kapag nagkaroon ka ng cramps kaya lang hindi ko na talaga kaya. Mamamatay na ata ako. Pumapasok na sa ilong at bibig ko ang tubig dagat. Ang sakit na. Nakakakita na ako ng puting liwanag. Tapos pagkamulat ko nakita ko yung mukha ni Cyrus.

"Patay ka na rin?"

"Sira ka talaga! Buhay pa tayo! Nalulunod ka kanina kaya niligtas kita! Akala ko ba ikaw si Little Mermaid? Niloloko mo naman ako. Huwag mo nga akong takutin."

May naramdaman akong kakaiba. Hindi ko alam kung ano yun. Ang saya ko kahit muntikan na akong mamatay at ang sakit ng dibdib at ilong ko. Simula noong araw na niligtas ako ni Cyrus hindi ko na siya iniwan. Sinabi ko sa kanya na magiging friends forever kami. Masaya ako kapag nasa tabi ko siya. Napgdaanan na namin lahat. Lagi kaming magkasama. Yung naramadaman ko noong araw na niligtas niya ako unti-unting nag-evolve.

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon