You Belong With Me [Chapter 3: Party, Parents, Party]

2.7K 26 9
                                    

Chapter 3

Noong third year kami sila pa rin ni Nadine. Mas lalo pa daw tumitindi ang pagmamahalan nila. Sabi ko nga wag na siyang masyadong magkwento tungkol sa relationship nila. Nagsasawa na kasi ako. Pare-pareho lang naman yung kinwento niya. Hindi ko na nga tinanong kung ano ba ang ginawa ni Nadine kaya minahal niya. Malay ko ba kung budol-budol lang pala. Haha. Sabi pa nga niya, siya na daw ang pinakamaswerteng lalaki. Hayy naku. Hindi ikaw ang pinakamaswerteng lalaki sa mundo.

"Syempre maswerte ka talaga! Ako ang bestfriend mo!"

Tapos tumawa siya. Oo nga naman daw. Psh. Malapit ka ng maging pinakamaswerteng lalaki sa buong kalawakan. Kapag ako naging girlfriend mo doon ka lang pwedeng mag-celebrate. Kaya dalian mo na ang pagmulat sa iyong magagandang mata na ako talaga ang girl of your dreams.

Noong birthday naman ni Cyrus pinakilala niya na si Nadine bilang girlfriend niya. Syempre hindi mawawala ang presence ko doon. Hello? Bestfriend for how many years ang status ko sa buhay niya. Medyo bongga yung party ni Cyrus kasi dumating yung Mama niya galing ng States. Doon ako pumunta sa table nila Mama kasi wala akong ka-close doon sa mga ininvite ni Cyrus. Bestfriends kami pero hindi ibig sabihin noon ay same friends ang barkadang kinabibilangan namin. Sabihin na lang natin na nasa popular clique siya habang ako nasa mga average lang.

"Anak, kilala mo ba yung gf ni Cyrus." Tanong ng Mama ko.

'Opo, Ma. Schoolmate po namin yun."

"Maganda kaso lang mukhang maarte." Sabi ni Tita Cathy yung Mama ni Cyrus.

"Ano ka ba naman Cathy! GF ng anak mo yun. Pero mukha ngang maarte." Sabi naman ni Tito.

Nagtawanan kami. Buti na lang hindi ako nagpaka-TH na makihalubilo sa mga friends ni Cyrus. Mas masaya dito. Nilait pa nila si Nadine. Mukha daw bakla. Hahaha. Tawa naman ako ng tawa. Saka naartehan daw talaga sila.

"Tito halos lahat naman po ata ng maganda ay mukhang maarte"

"Hindi ah. Ikaw Hija, maganda ka pero hindi ka mukhang maarte" *blush* Grabe! Maganda daw

ako sabi ng future father-in-law ko.

"Kaya nga. Ewan ko ba kasi diyan sa anak ko! Dapat ikaw na lang niligawan" Naku, Tita. Paki

batukan nga yang anak niyo.

"Wag nga po kayong magloko diyan!" Syempre hindi naman ako nagpahalata na kinikilig na ako.

"Huwag kang mag-alala kapag natauhan ang anak ko ikaw din pipiliin niyan. Boto kaya kami sayo"

Waaaahhh. Ayan na. Hindi na ako makahinga sa sobrang kilig. Kapag siguro ako nasapian ng babaeng desperada na sa pag-ibig, kukulamin ko na si Cyrus.

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon