You Belong With Me [Chapter 12: Intersection]

2.1K 26 3
                                    

Kinabukasan...

"SAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAABBBBBBBBBBBBBBBBBBBBBBBBBBBBBBBB!!!!" May sunog ba? May sunog? Ang mga love letter ko na hindi pa naipapadala kay Cyrus kailangan kong iligtas! Ang computer ko! Ang phone ko! Yung mga albums! Waaahhhh! Ang mga pictures ni Lee Donghae na ilang buwan kong sinearch at isave!!

Bumangon kaagad ako sa kama tapos bumaba sa first floor!

"Ma? Dad?" Hinahanap ko sila sa baba pero wala namang tao. Gahd. Minamaligno na yata ako. Narinig kong may sumigaw ng pangalan ko eh.

"Hi Sab!" Paglingon ko sa pinanggalingan ng boses...

"TAKTE KA TALAGA! BRUHILDA! AKALA KO MAY SUNOG! KAILANGAN SUMIGAW?? ANG AGA-AGA PA 'TEH! AT BAKIT KA NANDITO AT NAMBUBULABOG????"

"AHAHAHHAHAHAHA. Anong maaga? Alas-onse na po manang Sabine!!" What? Pagtingin ko sa orasan. Hala!! Alas-onse na nga! Ano ba yan! Sabi ko na dapat hindi ko minarathon yung Ouran High School Host Club kagabi.

"Oo nga noh. Anyway, bakit ka andito?"

"Punta tayong mall remember?"

"Nope, I don't. Tulog ulit ako ah. Byebye!"

Nandito na kami sa isang parlor sa isang di kalayuan na mall. Tinaekwando ako ni Jasmine kaya ayun napaligo ako ng wala sa oras. Dinalhan niya din ako ng damit na maisusuot. Ay ano to? Pa-donasyon ni Mayor? Wala ba akong damit? Si Jasmine ang salita ng salita ng kung anu-ano. Pakilagyan daw ng ganito tapos i-ganyan tapos ano daw. Basta wala akong naintindihan! Ang mga bakla talaga may sariling language! After siguro ng 1-1 1/2 hour ay natapos na rin.

"My gahd Sabine! You look gorgeuos" Hay salamat. Ang sakit na ng likod ko eh. Pwede na sigurong umalis dito.

"Whatever."

Badtrip kailangan ko ba talagang gawin ito? Magpaganda? Tanggap naman ako ni Cyrus kahit anong itsura ko eh. Hindi ko na kailangan mag-ayos. Pero infairness ang ganda ng buhok ko. Haha. Nandito na kami ngayon sa EyeOptical. Bibili daw kami ng contacts. 

"Hindi ako marunong gumamit niyan!" May nagsabi sa akin nakakabulag daw yang contacts eh.

Pero pinilit niya pa rin ako. Ngayong araw lang naman daw. Kung gusto ko naman daw maging manang habang buhay hindi niya naman daw ako pipigilan.

WOAH!

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Ako ba ang DYOSA sa salamin? Pwede ko ng palitan si Anne Curtis. Teka? Ako ba talaga yan? Alam ko na dati pa na maganda ako pero ngayon ko lang napatunayan na totoo nga talaga ang mga pinagsasasabi ko noon at hindi kathaang-isip lamang.

"Shet. Sab! Ang ganda mong hayop ka!" Takte. DYOSA nga eh! hahaha!

"Wow, Ma'am. Ang ganda niyo po. Bagay na bagay po sa inyo."

Nagpasalamat lang ako tapos umalis na kami. Eh yung contacts na binili naman eh clear lang naman. Haha. Medyo or talagang maganda lang yung kulay ng mata ko kaya nagmukhang maganda talaga. Aish. Ang ingay talaga. Dumada lang si Jasmine ng dumada. Ang ganda ko daw. Pwede na daw siyang maging Ricky Reyes girl version. Kung anu-ano pa. Nagtext ako kayla Mama na late akong makakuwi. Ay grabe. Medyo masikip sa akin yung damit ni Jasmine. Hindi ako makakilos ng mabuti. Ang payat kasi ng baklang yun. Hindi naman ako mataba. Naasar nga ako eh. Na-conscious tuloy ako.

"Perfect fit pa sayo yung mga damit ko. Nakikita yung hubog ng katawan mo. In fairness.......Sexy Back!" sabay apir! Haha.

"Naman!"

Dahil nauhaw na kami bumili muna kami ng shake. Nag-usap lang kami habang hinihintay yung shake namin.

"Musta na kayo ni Papa Cyrus?" Ito na naman?

"Katatanong mo lang niyan kahapon!"

"Well, baka kasi iba na sagot mo ngayon"

'Tss. Ganun pa rin po"

"Loser!" Ok fine! Loser na kung loser sa pag-ibig, buhay at kung anu-ano pang aspeto ng buhay. T_T

After ng mga ilang minuto nakuha na namin yung shake kaya nagbayad na kami at umalis na. Pababa na kami ng stairs ang layo pa kasi ng esclator eh. Haha! May lalaki ngang tumatakbo ng mabilis paakyat naman. Siguro natatae na. Haha. Kaya nung medyo malapit na siya gumilid ako. Kaya lang gumilid din siya!

"AAAAAAAAAAHHHHH~!!"

"I'm sorry" tapos umalis na siya pero nahawakan ko yung balikat niya.

"Potek. Nabasa ako. Tapos aalis ka na lang bigla. Taenang buhay yan." Tiningnan ako ng masama nung lalaki. Siya pa talaga ang may ganang magalit? Masama na talaga yung tingin niya kaya unti-unti kong binitawan yung balikat niya. Pagkatapos niya akong tingnan ng masama ay umalis na siya. Siguro nga natatae na.

"Red! Honey! Wait for me!!" May babaeng pagod na pagod na tumatakbo paakyat ng stairs. Eh kasi naman ang taas ng heels mo 'te. 

"Baka hinahabol yung lalaking bumangga sayo?"

"Eh? Yun yung hinahabol niya? Eh parang ang tagal na mula nung nakabangga natin yung lalaki eh."

"Ay siguro natatae lang talaga si Kuya"

"Baka nga. HAHAHAHA"

Ay teka. Eh paano na yung damit ko ngayon?

"Ui. Sab. Pero nakakatakot talaga si Kuya kanina. Sayang pogi pa naman."

"Kaya nga eh. Hahaha. Sayang! Pero hindi ko siya type noh! Bastos!"

"Wala naman akong sinabi na type mo siya di ba?" tapos nag-smile siya.

Ok. Sorry naman di ba? Assuming lang.

"Fine. Paano na itong damit mo?"

Okay lang daw yun kaya umalis na rin kami. Hindi naman pwedeng gumala ako sa mall na may basang damit. Panira ng araw yung kwagong yun. Nakalimutan ko tuloy na ang ganda-ganda ko. Haha

Hindi ko talaga makaklimutan yung mukha ng lalaking yun.

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon