You Belong With Me [Chapter 13: Introducing Red]

2.2K 21 7
                                    

Red’s POV

Nandito ako sa isang mall malapit sa bahay namin. Hindi talaga malapit. Yung tipong isang sakayan lang ng jeep eh makakarating ka na doon sa mall. Bakit kamo ako nandito? Wala lang. Gusto ko lang magpalamig. Ang init kasi ng panahon ngayon. Walang sinabi yung aircon namin sa bahay sa init ng panahon. Ang nakakainis pa ako si Mr. Lonely ngayon. Walang parents. Walang pera at higit sa lahat walang girlfriend. Kaka-break lang namin nung ex-girlfriend ko. Potek. Akala ko naman kasi mahal ko yung babae. Nagandahan lang pala ako. Pasensya na mga loves. Hindi ko naman gusto yung nangyari. Nagkamali lang. Tao din naman ako mukhang diyos nga lang.

Hindi ko nga alam kung bakit ako nagugustuhan ng mga babae? Pogi lang naman ako medyo cute din di naman ganun ka-macho pero pwede na rin. Sweet ako pero medyo may pagka-alaskador. Funny pero minsan nakakasakit na ang mga jokes ko. Aminado naman ako doon eh. Minsan niloko ko yung ex-gf #2 ko.

"Marie, ang taba mo na ah. Nagiging bilugan ka na pwede ka ng maging mundo ko." Sabay yakap ng mahigpit.

Kaso sineryoso niya yung sinabi ko. Akala niya talaga mataba na siya kaya ayun nag-diet hanggang ma-ospital. Kasalanan ko ba yun? Bumabanat lang ng malupit yung gwapo kaso sineryoso. Eh mas may laman pa nga ako doon eh paano magiging mataba yun? Nakipag-break ako one month after niyang ma-ospital. Hindi ko naman balak makipag-relasyon sa isang walking skeleton. 

"Marie, I'm sorry pero I want to break up with you. You're not the Marie I loved. You've changed a lot not just physically but also emotionally. Mahal naman kita kahit ano ka pa pero wala akong magagawa kung maski ikaw hindi mo mahal ang sarili mo. Problema mo na yun. You should start to love your self first."

Nag-sorry siya sa akin kasi alam niyang tama ko. Ako mali? Syempre hindi. Sino ba naman ang gaganahan kapag nagde-date kayo eh tubig ang oorderin niya tapos sangkatutak ang order ko. Feeling ko tuloy minsan ang takaw-takaw ko.

"Red! Honey!" Parang pamilyar yung boses na yun ah. Kaboses niya yung ex-gf ko.

Ako si Red Luis Tan. Ang cool ba ng name ko? OO na. Ang baduy. Pang power rangers! Eh kaysa naman yellow, green o worst PINK ang ipangalan sa akin ng dakila kong Nanay. Saka astig yung Red nakaka-attract ng maraming chicks. Haha.

Pagkakitang-pagkakita ko doon sa ex-gf ko ay tumakbo ako papalayo. Sa lahat ng naging girlfriend ko siya na ang pinaka-clingy. Hindi daw niya matanggap na iniwan ko siya. Siguro kasi hindi ko pa binibigay ang katawan ko sa kanya. YES. Virgin pa po ang pinakagwapong lalaki sa buong mundo. Saka magiging fourth year high school pa lang ako. Kaya kahit ano mang kati ng katawan ko pinipigilan ko pa rin. Tss. May mga kakilala nga ako Grade 6 pa lang natikman na ang langit.

"Hon! Wait!" Mukha mo. Hindi kita hihintayin.

Ewan ko ba talaga sa kanya. Lahat na ng paliwanag ginawa ko kung bakit kailangan na naming mag-break pero ayaw niya pa rin. Hindi niya daw matanggap. Ayaw niyang tanggapin. Syempre naman kung si Red Luis Tan ang boyfriend mo eh papakawalan mo pa ba?

Pero bwisit talaga na babaeng yan. Tumakbo ako papalayo ng papalayo hanggang sa nakita ko yung stairs. Ang layo pa kasi ng escalator saka maabutan niya ako sa escalator. marami kasing tao kapag stairs mabilisan. Kaso kawawa siya kasi naka high heels siya. May dalawang babaeng pababa ng stairs. At maganda sila kaya lang wala akong panahon makipagkilala. Eh parang hindi tatabi yung babaeng may mahabang buhok kaya gumilid ako. Eh gumilid din siya.

Sht. Natapon yung shake niya.

"AAAAAAAAAAHHHHH~!!"

"I'm sorry." Nagsorry ako tapos nagmamadaling umakyat kaso lang nahawakan niya yung balikat ko.

"Potek. Nabasa ako. Tapos aalis ka na lang bigla. taenang buhay yan." Potek. Nag-sorry na nga ako eh. Tiningnan ko lang siya ng masama. Wala pang nakakatagal sa tingin ko na yun. Haha. Napabitaw din siya sa akin kaya umalis na ako kaagad.

I'm sorry talaga miss. Nasabi ko na lang sa isip ko.

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon