You Belong With Me [Chapter 17: Guy #10]

2K 24 2
                                    

 Sabine's POV

"Cyrus, anak! Where have you been?" Wow. Tapos na sila? Ang bilis naman.

"Sa CR po. Nagloko yung tiyan ko." Yeah right. Pinagpatuloy siguro nila sa CR.

"Where's Nadine?" Wag mo sabihing nagloko din yung tiyan niya. Oh baka naman preggy na kaya ayun nagsusuka na. :|

"Pinatawag po ng Mom niya. Kailangan na daw niyang umuwi." Aaaahhhh. Talaga lang ah. Talaga lang.

Mga ilang minuto na din ang nakalipas. Hindi kami nagpapansinan ni Cyrus. Duh. At bakit ko naman siya kakausapin? Itatanong ko kung anong nangyari sa kanila ni Nadine? Ay ganito yun bes, french kiss tapos hawak-hawak. YUCK. EEEEWWWWWWW. Kalandian talaga ni Nadine! Si Nadine ang malandi! Kitang-kita ko na siya yung nagle-lead! Haist. Minsan tuloy napapaisip pa ako kung Virgin Mary pa itong si Cyrus. Malay ko ba kung nagpa-rape na siya kay Nadine. Erase. Erase. Erase. Hindi yun magagawa ni Cyrus. Sana....

 At ang Jas naman ay sobrang tanong ng tanong. 

"Ano kayang nangyari kay Nadine?"

"Kwento ko sayo mamaya"

Ako kasi yung tao na mamatay sa sakit sa puso kapag hindi ko nasabi ang nalalaman ko. Eh di nagkwentuhan muna kami. Hahaha. Napatawa na naman ako ng bruha. Kung anu-ano namang theories kung bakit umalis si Nadine. 

"Baka naman namimick-up lang ng customer diyan sa labas."

"Ay, baka naman hindi nagpaalam ang bruha!"

"Kinidnap kaya? Mukha namang mayaman yun eh. Mukha lang."

"Ang tagal naman nung anak ni Tita carmen" Carmen yung name ng boss ni Tita.

"Oo nga. Sabi nila lalaki daw yun."

'Baka bading! Nag-aayos pa ng sobrang bongga kaya ang tagal." Hahaha. Ang sama eh.

"Nandito na pala ang anak ko. Red!"

Wow. RED? Anong klaseng pangalan yun. Ginawa siyang crayola pero it's actually cool. Napaka-rare naman kasi. Ako nga balak kong ipangalan sa anak ko ay Blue. Hahaha. Eh sa favorite color ko ang blue eh. Ano naman kayang problema ni Jas. Nakatunganga na lang doon sa lalaki. Gwapo siguro kaya nung paglingon ko.

Omg!

"Guy#10???" Sabay pa kami ni bespren. Tapos hinubad niya yung shades niya. DUH. Gabi na kaya.

"IKAW!?" Sabay ulit kami.

Paano ba naman kasi. Siya si super sama ever na guy sa mall. Naguguluhan na nga yung mga tao sa paligid namin. At bakit nandito itong pangit na ito! Anak nga pala siya ng may-ari! Big time pala itong si loko! GOOOOOSSSHHH. Ano ng gagawin ko?

"Do you know him, Hija?" Tanong ni Tita Cathy.

"Yes, Tita. I know him" sagot ko na lang.

"Yes we know him. He's Sabine's guy#10!!" Grabe talaga! Ang ingay talaga ng baklitang ito! Ano ba!? Dapat kinalimutan niya na yun. Shocks. Nakakahiya.

"Guy#10?" Bago pa man makapagsalita ang dakila kong bespren ay tinakpan ko na ang bibig niya at nagpaalam na mag-cCR muna kami. Grabe naman noh. Baka sabihin niya na yung crayolang yun yung destiny ko, prince charming ko. Tss

Hindi talaga kami nag-CR lumabas lang kami para magpakalma. Hello? Si Guy#10 si Shake boy na si Red na anak ng boss ni Tita Cathy. O di ba? Ang bobongga ng mga revelations na nalaman namin. Ang bespren ko naman ay tuwang-tuwa. Ito na daw yung naamoy niyang pag-ibig na dadating sa buhay ko. Si Red daw si Prince Charming. Tatlong beses na daw kaming pinagtatagpo ng tadhana.

Pero bago yan kinwento ko muna yung kalunos-lunos na nakita ko kanina.

"AS IN? Hindi na sila nahiya?" Nag-sigh na lang ako.

"Kaya pala ang cold mo sa kanya. So ano ng plano mo ngayon?" Support na lang. Ninang ng first born nila. Tss

"Wala. Wala naman akong karapatan para magalit. Wala akong karapatan para mainis at masaktan. Sino ba naman ako sa buhay niya? The Bestfriend lang naman di ba? Ang trabaho ko ay intindihin at unawain siya. Suportahan siya sa landas na tatahakin niya. Bigyan siya ng payo pero hindi ko siya kayang pigilan. I will always be behind his back but never beside him."

"Ang malas mo naman. Kaya andyan si Papa Red para iligtas ka sa kamalasan mo!"

Ay. Anong ibig sabihin niya dun? At saka bakit doon pa sa Shake boy na yun? Itsura pa lang niya mukha na siyang chickboy. No way. Saka I have Cyrus naman. Okay na ako sa kanya kahit bestfriend lang. Hanggat kaya ko pa mag-sstay ako sa tabi niya kahit sampung dosenang babae man ang dumaan sa kanya. Syempre kapag kinasal na siya ibang usapan na yun. Siguro that time lang ako mag-iisip na humanap ng iba talga. Martyr much! :/

"My dearest Sabine kapag hindi mo kinuha ang number niya forget about US na rin"

"My dearest Jasmine, there's nothing between us. I never said I love you."

Tapos binatukan ba naman ako. Magseryoso daw ako. Ayoko nga! Si guy#10 si Shake boy kaya never. Itsura pa lang niya ah. Okay. Pogi na siya. Matangkad. May chocolate abs! Whatever!! Nakakainis naman. Niyaya niya na akong kumain. Gutom na daw kasi siya at alam niyang kanina pa ako naglalaway sa mga pagkain.

"Yo!" Yo ka diyan. Feeling toh.

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon