Kabanata 36

9.3K 459 691
                                    

Gunshot

Chaos left for Bacolod the next day.

Everything's a mess. Hindi nakalagpas ang balita sa media. Galit ang karamihan. Mayroon ding mga nagtataka kung bakit ngayon lang nailabas ang isyu ng mga Gomez.

And of course, the blame will never be pointed to the media. The police authorities were questioned instead and was accused of defending the Gomezes, even when in truth, they did not.

"Miss Amante, what can you say about the police hiding the truth from the public?"

"Did your family orchestrate the killing?"

"Ano na po ang mangyayari sa kaso?"

Mabilis akong pumasok sa sasakyan papunta sa trabaho. Sinubukan pa kaming habulin ng mga reporter. Mabuti na lang at nakalayo agad kami.

Dad advised me to stay with them in Valenzuela for the meantime. But I can't travel everyday for an hour and a half. Malayo ang Taguig sa kanila. Kaya naman, si Daddy at Tita Ellen ang narito ngayon sa condo ko.

I let out a sigh. Nagpapatong-patong na ang lahat. Buong araw ko pang hinintay ang tawag o text ni Chaos. Tanging sinabi niya lang bago siya umalis ay babalik siya agad. But even with the assurance, I can't sit still. The raging questions are running through my mind.

Who killed them? What was the motive? Why?

Pumikit ako at muling binalik ang atensyon sa virtual meeting. So far, the operations going on for the project here are smooth. Maayos na naaprubahan ang mga gagamiting tela sa collection. The runway event held in Paris went well, too.

But even after all those, hindi ko magawang maging masaya, specially when I know Chaos is still in Bacolod. Hindi ako mapakali kahit na natanggap ko na ang matagal ko nang hinihintay na tawag niya.

"Ano'ng ginagawa mo?"

His voice is husky. I bit my lip.

"Kailan ka uuwi?"

Humalakhak siya sa kabilang linya.

"Bukas ng umaga ang uwi ko."

"Really?" I couldn't hide my excitement.

I was relieved. Well, I was supposed to. But something doesn't feel right.

"What happened?"

"Saka ko na sasabihin pagbalik ko."

"Do you want... me to get you?" tanong ko sa maliit na boses.

"Hindi na. Ako na ang pupunta sa 'yo."

"Okay. Be safe."

"Oo naman. Ibaba mo na."

Pero hindi ko binaba. I was waiting for something. But at the same time, I thought it was silly to ask for something even I cannot give. Kaya sa huli'y binaba ko na rin ang tawag.

Up until now, hindi ko pa rin nasasabi kay Chaos ang nararamdaman ko. I feared a lot of things. And it is still too messy. Wala pa sa saktong panahon ang lahat.

Pero kung hindi ngayon, kailan ako magkakaroon ng lakas ng loob para aminin sa kanya ang matagal nang sinasabi ng aking puso?

"Hey!"

Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ang pamilyar at matinis na boses ni Ami. Nasa pintuan pa lang siya ng opisina ngunit mabilis akong naabot para yakapin nang mahigpit.

"Are you okay? May ginawa bang masama sa 'yo si Mig?"

Nangunot ang noo ko at kumalas sa yakap niya.

A Day in the Night SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon