Kabanata 2

20.5K 973 1.3K
                                    

Hurt

Kunot-noo kong pinagmamasdan ang pag-uusap nina Mommy at ni Chaos. Mom asked for their talk to be somewhat private pero hindi naman sila ganoon kalayo sa amin. After the rally, mom wasted no time to talk to this man who apparently followed me to the plaza.

Walang-hiya namang nagbulung-bulongan ang mga babaeng tauhan ni Mommy sa gilid habang nakatanaw sa kanila. Wala namang pake ang mga kalalakihan at nagkalat sa buong lugar para magbantay o di kaya'y maglinis.

Puno pa rin ng tao ang buong plaza kahit tapos na sa pangampanya ang linya ni Mommy. All the way from barangay councilors up to the mayoral position, tumagal ng ilang oras ang rally. It's now 10:30 PM. Surely, these people should go by now.

"Hindi pa sila aalis, Daddy?" Tanong ko kay Dad na busy sa pamimigay ng snacks sa iilang tauhan na naroon.

"Aalis din sila maya-maya. Naghihintay lang ang iba na... ma-meet ang mama mo." Nagpatuloy sa pamimigay si Daddy kaya umalis nalang ako.

Politics is such a tiring job preference. You have no chance of being the boss. Ikaw ang katulong at alipin ng bayan. Ang balutin ang sarili sa kapangyarihang hindi naman iyo ay isang malaking kasakiman.

Maybe that was why my mother grew up to be headstrong and fierce. In this field, wala kang mapagkakatiwalaan. People will celebrate with you on your success, but will eventually turn and point their blades on you when they see you crumble.

"Miss Amante?" Tawag ng isang ginang na nasa kanyang 40s.

"Yes? Good evening!" I plastered the natural political smile and held out a hand.

Basic.

"Good evening!" Ngumiti rin ito at nagpakilala.

"Ang galing talaga ng Mama mo. I must say that speech captivated everyone here." Ngiti niya.

"Of course, Mrs. Lagdameo. Hindi lang 'yon tungkol sa kung ano ang dapat marinig ng mga tao, kundi kung ano talaga ang naging serbisyo ni Mayor Amante sa loob ng dalawang termino."

Tumawa ang ginang. "Yes, yes, Miss Amante. I'm just amazed. Kasi nung nangampanya ang taga-kabilang partido, malapit na nitong makuha ang loob ng mga taga Binondo!"

Now that's interesting.

"With just one campaign?" Tumaas ang kilay ko.

"Yes! That's why I worried about it. I supported this campaign, you know." Marahan niyang sabi na animo'y nag-iingat sa kung ano man ang maling masabi sa akin.

"Mayor Amante lives up to her image. Let's just cross the bridge when we get there." Ngumiti akong muli sa ginang na ngayon ay hilaw na ngumiti sa akin.

I met a lot of people and almost always expected the praises for my mother. Sumagot naman ako ng naaayon sa dapat kong isagot politically. After all, I am to take over as a public servant. I am trained for this.

"Ang busy mo, ah."

Umirap ako nang makaharap ang bagong trabahante namin. Tinanaw ko sa likod si Mommy na nakamasid sa aming dalawa ngayon bago itinuon ang pansin sa iilang importanteng taong dumalo sa rally.

"Ano'ng binigay sa 'yong trabaho?" Tanong ko at naglakad-lakad para kamayan ang iilan pang mga taong natitira sa lugar.

Ngumuso siya. "Bantayan ka raw."

Napatigil ako roon. This is new.

"I don't need guards. Saka wala kang kwalipikasyon." I turned away from him.

He smirked cockily. "Tingin mo aabot ka rito nang walang daplis ng kung ano kung 'di kita sinundan?"

"It's just a 4-minute walk, and besides, wala namang lumapit sa 'kin kanina." Giit ko.

A Day in the Night SkyWhere stories live. Discover now