Kabanata 21

8.8K 501 937
                                    

Chaos

Nalilitong tinanggap ni Mrs. Gomez ang folder. Dismayado namang tumingin ang asawa niya sa akin.

"I don't know how you came up with this. But I will only believe in things I saw. Wala ni isa sa mga 'yan ang nagdala sa akin sa impyerno."

Antolino Gomez sighed and smiled.

"Yna, that's not my point."

Nagtaas ako ng kilay.

"Then, what?"

Nagkibit-balikat siya at pinagkrus ang kanyang mga binti bago nagsalita.

"Justice and truth don't mix well. In this world, you just could not have both. It's a fantasy masked as a false doctrine of childish belief over nonexistent equality and balance. The world is not fair, hija. And we just have to accept it."

Yes, indeed. Well, that was before.

Now that I've experienced what hell feels like, I refuse to believe that the world is unfair. It is fair. The people in it are the ones making it unbalanced.

"There's a definite reason kung bakit may upper at lower class. The lower class will serve the upper class. It's never the other way around. Ito ang katotohanan na kailangang malaman ng lahat."

"Ngunit nasaan ang hustisya diyan?"

"Kaya hindi maaaring magsama ang hustisya at katotohanan. Justice is for the rich. The truth is for those who can't afford justice."

Hindi ako makapaniwala sa pinapahiwatig niya. He's a politician, and a president at that! How can he think so lowly of the people he's supposed to be under for?

Hindi niya man direktang ipinahayag, alam ko kung ano ang gusto niyang iparating.

"Plano niyong linlangin ang publiko at ilagay sa mga inosenteng 'to ang gawa-gawa niyong hustisya?" halos pabulong kong tanong.

Suminghap si Mrs. Gomez.

"Dear, it seems you're misunderstanding things—"

"Saang parte ako naging bobo pagdating sa mga bagay na 'to?" putol ko sa kanya.

Nagtaas ng kilay si Mr. Gomez sa akin.

"Baguhan ka pa nga talaga. You still don't know the ways of politics. This... industry works around power, hija. Status, money, power. Mayroong hustisya para sa 'yo dahil may pera ka. May kapit ka sa batas. You can easily cut the blindfold and tip the balance on the scale."

Ngumisi ako. This is crazy.

"Mr. Gomez, with all due respect, justice is not an 'industry'. And it never will be. Hindi 'to negosyo. Walang nagmamay-ari sa batas. Hindi mo parokya ang mga inosenteng biktima ng sistemang hawak sa leeg ng mga mayayaman at makapangyarihang tulad mo."

Nilaro niya ang tasa ng kape at ngumiti. Hinawakan naman ni Manang ang braso ko.

"Alam mo ba kung bakit ako nanalo, Serena?"

Hindi ako sumagot at hinayaan siyang magpatuloy.

"Compassion. Sympathy. Promise. It's easy. Kailangan mo lang magbayad ng malaki sa mga TV network para mapalabas ang pangangampanya. Kailangan mo lang ipakita ang gusto ng mga tao. Specifically the ones from the slums. They're the favorite of the typical politicians."

"But me? No. Patas ang tingin ko sa lahat. Nangampanya ako sa lahat. Kaya ako nanalo. So I am sorry if you took this the wrong way. But this is the justice we can offer you—"

"Lino, you're saying it the wrong way!"

Hindi na nakapagtimpi pa si Mrs. Gomez. Umirap sa hangin ang asawa niya at bumalik sa pagkakasandal sa couch.

A Day in the Night SkyWhere stories live. Discover now