Kabanata 12

9.2K 536 1.4K
                                    

Faith

I closed my eyes, still inhaling Chaos's scent. The world became visible again. Ganitong-ganito palagi. After the storm, there's always Chaos who will put things back to place.

I giggled at the irony.

Medyo kumalas nang kaonti si Chaos sa akin. Kumurap-kurap siya at tinagilid niya ang kanyang ulo.

"Ano'ng nakakatawa?"

Umiling ako na may ngiti sa labi. Tuluyan na rin siyang kumawala nang lumapit ang pulis sa kinaroroonan namin. Naaninag ko rin ang mga kaibigan ko na papalapit sa akin.

"Yna! Yna!" Sigaw ni Adel sa malayo.

Tumakbo silang tatlo nang mamataan akong kumaway.

"A-anong nangyari?" Hinihingal na tanong ni Vin.

"Ayos ka lang? May ginawa ba siyang masama sa 'yo?" Sunod-sunod na tanong ni Nadie habang tinuturo ang walang kamalay-malay na si Chaos.

"Ayos lang. Wala siyang kasalanan. In fact, he saved me."

Tumaas ang kilay ni Adel at saka bumulong.

"Huh? Ang bata pa niya tignan, ah? Sure ka?"

Umirap ako at bumulong pabalik. "He's Chaos Figueroa, 'yung bagong body guard."

Nanlaki ang mga mata ni Adel. Nakisali naman si Nadie. Hindi maipinta ang mukha ni Vin.

Tinampal ni Nadie ang braso ko at malanding tumawa.

"Ikaw, ah? Sinosolo mo pala 'yan, ah?"

Naghalakhakan sila ni Adel.

"But how did you get here, Yna?" Seryosong tanong ni Vin.

Bumuntong-hininga ako. "Wait."

Pumunta ako kay Chaos at makikinig sana sa sabi ng lumapit na pulis at para na rin maayos naming mapaliwanag ang nangyari nang walang masyadong detalye. Ngunit nang makalapit ako ay umalis na ang pulis matapos tumango sa akin.

"Ano 'yon?" Tanong ko.

Umiling si Chaos. "'Wag ka nang mag-alala. Self-defense lang ang nai-report." Aniya sabay tanaw sa lalaking inaaresto na ng mga pulis.

"Mabuti't hindi mo siya pinatay?"

"Pwede akong pumatay para sa 'yo. Pero ayaw kong makita mo 'yon."

Namula ang pisngi ko kahit na hindi naman dapat. Ngunit inistorbo kami ng panirang tikhim ni Vin.

"Ipakilala mo naman kami, Yna." Ani Vin habang nakatuon ang pansin kay Chaos.

Nag-angat naman ng tingin si Chaos at tinaas ang kaliwang kilay niya. Suplado!

"Sinong bata 'to, Yna?" Sarkastikong tanong ni Chaos.

Vin smirked. "Best friend niya ako, gago!"

Mariin naman na piningot ni Adel ang tenga ni Vin.

"Tangina ka! Mas matanda 'yan sa atin!"

Hindi naman makapaniwalang tumingin si Vin kay Adel.

"Ba't mo piningot ang tenga ko? That's so uncool, dude!"

Bumaling ako kay Chaos na ngayon ay nalilito na.

"I'm sorry. These are my friends," sabi ko sabay turo isa-isa sa mga kaibigan ko, "these are Adel, Nadie, and Vin. Guys, this is Chaos."

Naglahad ng kamay si Vin at malapit na akong tumawa nang tinignan lang 'yon ni Chaos. Nang sikuhin ko siya ay saka niya lang tinanggap.

"Pasensya na, pero kailangan ko na siyang i-uwi sa kanila." Ani Chaos.

A Day in the Night SkyWhere stories live. Discover now