Kabanata 27

8.5K 548 1.1K
                                    

Hazel

Humilata agad ako sa kama matapos kong ma-send sa prof ko ang email na naglalaman ng project ko. Hindi ko alam kung magugustuhan niya ba 'to ngunit positibo naman ako sa mga picture at outfit na ginamit ng mga kinuha kong modelo.

I'm now on my 2nd year in college. It was tough along the way. Sinabayan pa ng maliit kong negosyo noon. Tumatanggap kasi ako ng mga commission galing sa mga kakilala lang din. But this 'small' business is expanding kahit 'di pa ako nakakapagtapos dahil na rin sa mga koneksyon ko rito.

I grabbed my sketch pad and reviewed the design. I've been so anxious about this project because this will be worn by a national pageant contestant. Malaking exposure 'yon sa akin kung sakaling manalo siya.

Bahagya akong nagulat nang tumunog ang cellphone. Dad's calling.

Nabuhayan ako ng loob. Mahigit isang taon nang hindi nakakabalik si Daddy rito. Tanging kasama ko na lang ay si Manang Esme at ang dalawang body guard na hindi sinama ni Daddy pauwi sa Pinas.

"Hello, Dad?"

"Yna, how are you?"

I smiled. Ngayon lang ulit ako nakatanggap ng tawag galing sa kanya. He's been very busy as of late for something I know nothing about. Maybe it's business.

"I'm fine, Dad! The business is going well. I might be able to pay for the capital na pinahiram mo sa akin—"

Tumawa siya sa kabilang linya.

"Darling, hindi ko 'yon pinautang sa 'yo. It was your—"

"No, Dad. Hindi ako tatanggap ng libreng puhunan. I'm gonna return it to you according to proper terms."

Rinig ko ang buntong-hininga niya.

"Fine, fine. Alright—"

"Honey, do you want some—"

Naguluhan ako sa narinig ko. Dad's voice is definitely not like a grown woman.

"Dad? Sino 'yon?"

"Huh? Wala, wala. It's nothing!"

I pursed my lips. Gusto ko pa siyang tanungin ngunit minsan ko na lang siyang nakakausap at hindi ko naman gustong 'yan lang ang laman ng pag-uusap namin ngayon.

"Okay, uhm, how are you po? Have you been eating well? Naaalagaan mo nang maayos ang sarili—"

"Jesus, Yna, yes! I'm doing good!" tawa niya.

Ngumiti naman ako sa tugon niya.

"The business?"

"Everything's doing fine, really, anak. You have nothing to worry about."

Lalong gumaan ang pakiramdam ko kahit paano. I'm happy that he's happy, kahit na may mga bumabagabag sa akin sa tuwing naiisip ko ang mga kilos niya.

I shook my head after I ended the call. I should not think of silly things. It's good that things are finally going our way now.

Sa mga sumunod na araw ay naging abala ako sa pagkompleto ng requirements. Kinakabahan akong nakayuko sa harap ni Ms. Perez.

"Wow, I must say, this is good!"

Nawala ang kaba ko at nag-angat ng tingin. Tumango-tango siya sa design ko habang iniiscan ang bawat detalye ng pictures.

"The contrasting elements are great. I see your message well-delivered through this piece. Now I know why the Alcaraz Designs are eyeing your every move."

A Day in the Night SkyWhere stories live. Discover now