Escolta

37.6K 1.4K 1K
                                    

Simula

"Kailan po kayo ikakasal?"

"May venue na po ba?"

"Totoo po bang ginamit lang kayo ni Ms. Amante?"

I sighed for the nth time habang paroon at parito naman si Vicente sa harap ko.

He stopped and looked at me. "I'm sorry, Yna. Hindi ko alam na ganito pala mangyayari sa arrangement na sinabi ko."

"Wala na tayong magagawa diyan." Umirap ako. Hanggang ngayon, ang ingay pa rin ng mga reporter sa labas.

"I'll issue a press conference bukas. I'm sorry." Tumawa lang ako saka niyakap ang nanlulumo kong kaibigan.

"I'll always be here, Vin." Tinapik ko ang balikat niya at ngumiti naman siya sa akin. I hurriedly gathered my things and made my way out.

I left at the back door. Mabuti at doon ko naisipang mag-park dahil sigurado akong 'di ako makakalusot.

Pinaharurot ko ang sasakyan paalis ng Forbes tungo sa office ko sa Taguig. It's a brief drive, uneventful. Save for calls from my secretary and a few others.

"Hello Ma'am, dumating na po 'yung materials."

"Yna, birthday ni Jinny sa makalawa. Bring your gift!"

"Ma'am may appointment daw po kayo ni Mr. Guevarra."

"Bank Bar later, sis! 9 PM!"

And just like that, dumating ako sa office na mainit ang ulo. Bumungad naman sa mukha ko ang nag-aalinlangan na si Eline.

"Ma'am, sorry po." Hindi siya makatingin sa akin.

"Why?" Kunot-noo kong tanong. Napakamot na man siya sa ulo niya bago tumingin sa akin nang tuluyan.

"Nasa loob po ang Daddy niyo."

Parang bomba ang linyang 'yon. Nagmadali akong pumunta sa loob at nadatnan ko ang ama kong prenteng nakatayo malapit sa bintana..

"What... are you doing here?"

Nilingon niya ako at ngumiti siya. Umamba siyang yayakapin ako kaya mabilis akong nagtungo sa desk at naupo.

Bumuntong-hininga siya at naupo sa harapan ko.

"It's your mom and I's wedding anniversary. Bukas."

Tumaas ang kilay ko. He pursed his lips and continued.

"Come home."

Huminga ako nang malalim at tumayo. Nakakalula ang mga naglalakihang building na nakapalibot sa office ko.

"May trabaho ako, Dad."

"Your work can wait. Dinner naman 'yon. Your mom wants to—"

"She's not my mom." I blurted out. Hindi ko na mababawi iyon. I expected to feel guilt wash over me. Pero wala. It's like the same thing all over again from years ago when Dad told me about his second marriage with Tita Ellen.

Umikot ako at hinarap ang ama ko. He looked beyond defeated.

"Yna naman. Please, don't make things harder than they already are."

Wala ako sa mood para magsimula ng panibagong di-pagkakaunawaan. I flipped my hair and sat again.

"I'll try. Where?" Inabala ko ang sarili sa mga papeles na nakalapag sa lamesa.

"In our house, of course." Maligayang sabi ni Daddy. "Magluluto ang mama mo ng paborito mo!"

I smiled a little. Hindi ko magawang sabihin na hindi ko na paborito ang adobong manok. Pero napawi rin ang ngiti ko.

A Day in the Night SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon