Kabanata 3

16.1K 950 1.4K
                                    

Gift

Matuling dumaan ang maraming araw hanggang sa araw ng eleksyon. Maraming nakakalat na mga tauhan sa bahay ngayon at nagbabantay sa mga sulok ng aming lupain. Tumingin lamang ako sa bintana saglit at nagpatuloy sa pakikinig kay Teacher Elvie. We're doing Science lessons today.

"There are three common types of solar eclipse." Aniya habang nililipat ang pagkakaturo ng stick tungo sa kabilang page ng visual aid.

Nilabanan ko ang antok at pinilit na pinalaki ang bukas ng mata.

"Partial, Annular, at Total." Patuloy niya.

Hinihila ako ng antok. But I kept pursing my lips to stop myself from yawning. Sa lahat-lahat ng subject, hindi ko kailanman nagustuhan ang Siyensya. Para bang napakahirap nitong intindihin sa akin kahit na simple lang naman ang konteksto nito.

"Ang Partial, it only happens when the moon only partially conceals the sun's disk and casts only its penumbra on earth." Napatingin siya sa akin.

"Surely, you recall what penumbra is about, Yna?"

I smiled sheepishly and pretended to open my textbook in wonder while frantically looking for the answer.

Tumikhim ako habang iniiscan ang libro at halos pumalakpak nang makita ko ito sa dulo.

"A shadow cast by the Earth to an area experiencing a partial eclipse...?" Hindi ko siguradong sagot kay Miss Elvie.

Napailing-iling siya at ngumiti. "You should be surer, Yna. Tama."

Nakahinga ako nang maluwag.

"As for the Annular, ang disk ng moon ay hindi sapat para matabunan ang disk ng araw. That's why from afar, it would look like a ring of fire in the skies. This will only happen when the moon is near apogee. And its antumbra falls on Earth."

Apogee? Antumbra? 'Di ko na 'yon matandaan, ah.

Tumango-tango ako nalang ako na para bang may naiintindihan talaga. Nang tumalikod si Miss Elvie, saka ko lang napakawalan ang mahabang hikab na kanina ko pa pinipigilan.

"And then there's Total solar eclipse. Natatabunan ng buwan ang araw, completely. Nangyayari lang ito kapag ang buwan ay malapit na sa perigee. You'll only be able to see it in an area or path where the moon casts its darkest shadow, the umbra."

I swear, parang hele ang boses ng guro ko at hinihila ako sa aking kama para matulog.

Malapit ko nang maisarado ang aking mga mata nang magsalita ulit si Teacher Elvie.

"And before you can close your eyes, young lady, may panghuli pa." Tumikhim siya.

Napabalikwas ako roon pero hindi ko masyadong pinahalata. Nahihiya lang akong ngumit sa kanya at naupo na ng maayos. Tumayo ako saglit para ayusin ang bulaklaking palda at hawiin ang buhok sa kaliwang balikat saka ako umupo ulit.

"There's a rare type, the Hybrid solar eclipse." She plastered another cartolina visual aid.

Napataas ang kilay ko roon. This time, I'm genuinely curious and not faking it.

"Rare, po?" The question rolled on my tongue like a wonder. Hindi ko alam kung bakit ako naaattract sa mga misteryosong salita at bagay. It's like they're drawing me in, somehow. The need to know them and uncover their mystery is an excitement for me.

Nangiti si Miss Elvie sa mistulang pagkaka-excite ko bigla sa Siyensya gayong ito ang pinaka-ayaw kong asignatura.

"Yes. And it only happens if both the sun and the moon's distance to Earth are just right."

A Day in the Night SkyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant