Kabanata 19

8.7K 534 1.4K
                                    

Free

I remembered how I loathed the sun when I was younger up until now. But that was when I didn't know that fate could be this cruel. If I had known, then, maybe things were a bit different.

But do we really have the heart to know what lies ahead? 

When I heard that my mother is here, I immediately rose from where I was.

"Dalhin mo 'ko kay Mommy."

Walang gana siyang tumitig sa akin at umiling. Tumayo ako at lumapit.

"Please." Hinawakan ko ang kamay niya.

"Dalhin mo 'ko kay Mommy. Parang awa mo na!" Pakiusap ko.

Bumuntong-hininga siya at kinalas ang pagkakahawak ko sa kanyang mga kamay.

"Masyadong delikado. Paano na lang kung tayong dalawa ang mahuhuli? Mapapalpak ang plano—"

"I don't care," putol ko sa sasabihin sana niya.

Mapang-uyam siyang ngumisi.

"Hindi ka rin naman talaga makasarili, ano? Ginagawa namin ang lahat. Maski buhay namin sinusugal na. At ganyan pa rin ang iisipin mo?"

Before I could respond, he spoke again.

"'Pag nahuli tayo, imposible ko na kayong mailabas dito. Patay na kayo bago pa man kayo makaapak ni isang pulgada sa lupa sa labas ng gusaling 'to."

Nanghina ako sa aking narinig. He's right. Nagbaba nalang ako ng tingin.

"Will you be able to save us, though?" tahimik kong tanong.

"Hindi ko maipapangako 'yan. Pero gagawin namin ang lahat."

There's this growing hope in me. We'll make it out here alive. I know we will.

Tipid akong ngumiti.

I appreciate his kindness, kahit na 'di niya aminin ay mabait siyang tao. Alam ko 'yan. Ngunit may isang bumabagabag sa akin.

"Bakit mo kami tinutulungan nang ganito? Hindi ka naman namin kaano-ano."

Nag-iwas siya ng tingin at tumingin sa malayo, tila ba malalim ang iniisip.

"'Wag mong isipin na mabait ako dahil lang diyan. Baka nakakalimutan mo, sindikato ako. Hindi ako basta-basta lang gumagawa ng kahit na ano na walang kapalit," aniya.

Gusto ko pa sana siyang tanungin tungkol doon. Subalit mas pinili ko nalang ang manahimik kaysa kausapin siya tungkol sa personal niyang buhay.

Umupo ako ulit sa sementong sahig at tinatanaw ang maliit na liwanag na nagmumula sa bintana. Pumapasok ang malamig na simoy ng hangin mula sa labas.

"Kamusta si Mommy? Ang mga kapatid ko? Ayos lang ba sila?" bulong ko.

Matagal bago siya nagsalita. Binaling ko na lamang ang aking paningin sa natupok na ilaw sa lampara. I don't expect him to respond. His silence is enough for me. As long as they are doing well, then I'll try my best to do well, too.

"Si Chaos?"

This time, nagtaas siya ng kilay.

"Ayos lang."

Nag-angat ako ng tingin.

"Magkasama ba kayo rito?"

"Hindi pa ba halata?" sarkastikong tanong niya.

Nagkibit-balikat lang ako at hindi sumagot.

"Matagal na kaming magkasama. Mula pagkabata pa."

Sumandal siya sa pader malapit sa pinto. Napangiti ako sa kanyang sinabi at tumango.

A Day in the Night SkyKde žijí příběhy. Začni objevovat