Kabanata 18

8K 475 1.2K
                                    

Trigger warning: sexual assault. Read at your own risk.

Flicker

Chaos?

Nanghina ako sa aking nakita. But the rational part of me was denying what I just saw. It's dark, after all. Naglalaban ang puso't isip ko sa kung ano'ng tama.

Why? Why, of all people, him?

Tulala akong nakataas ang kamay habang hawak-hawak ang cellphone sa pag-asang magkakaroon din ng signal. Nagkakagulo na sila sa kabilang kalsada dahil sa "pagkawala" ko.

Pagpasok ni Chaos ay hindi na siya muling lumabas. Maybe it was not him after all? Hindi ko naman masyadong naaaninag ang mukha niya dahil na rin sa kadiliman sa gitna ng gabi kahit pa mayroong dalawang poste ng ilaw sa tapat ng gusali.

Pero hindi ako maaaring lokohin ng sariling mata ko. I know by heart that it is him.

Lumunok ako at umiling. I need to find a damn signal first.

As I go deeper into this forest, mas nawawala ang tsansang magkaroon ng signal. But I'm desperate. I can't go back there anymore. This is the safest place for me.

"Come on," I whispered.

Nandoon na si Ate at Kuya, and God knows what they'll do to my siblings! Kung may nangyaring masama sa kanila, hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Lalakad pa sana ako nang marinig ko ang kaluskos sa aking likuran. Nanlaki ang mata ko nang maaninag ang paparating na mga kalalakihan sa direksyon ko dahil sa mga dala nilang flashlight.

"Hindi pa 'yon nakakawala! Hanapin niyo! Patay na naman tayo kay Boss nito."

"Kung hindi ba naman kasi bobo si Pedro, eh!"

"Sana tinuluyan niya nalang 'yon! Palpak talaga kahit kailan."

Kabado akong nagtago sa likod ng malaking narra. Pinapakiramdaman ko ang aking paligid at napagtantong abala pa rin sila sa paghahanap sa akin.

"Do'n muna kayo, may titignan lang ako banda rito."

"Bakit? Ano ba'ng meron diyan?" usisa ng isa.

I prayed hard for them to not see me. I can't afford to lose to them. If I have to run, then I will gladly run.

Halos malaglag ang puso ko nang diretsong tinapat ng isa sa kanila ang ilaw ng flashlight sa narra na pinagtataguan ko.

"Alam mo, hija, mas mabuti pang matiwasay ka nalang na sumama sa amin."

No. Umiling ako.

"Hindi naman kami nangangagat," malaswang aniya.

Nagtawanan sila sa likuran ko at ramdam ko na ang tumatagaktak na pawis sa aking noo.

If I don't do anything, I'm sure that it's game over for me. The chances are thin. But I have to try. I have to get my siblings out of that motherfucking building. I will raise hell if I have to.

"Ano? Lumabas ka na riyan." Kumanta siya.

Like hell I will.

Umamba akong tatakbo, ngunit hindi pa man ako tuluyang nakawala ay narinig ko na ang kasa ng baril na siyang ikinatigil ko.

"Kunin niyo na."

Hindi pwede 'to!

I fought as hard as I could. Kinalmot ko sila nang sinubukan nilang hawakan ako. Kailangan kong lumaban.

"Kunin niyo 'yung panyo! Palaban ang isang 'to!"

I desperately kicked and punched them. I was fighting. But my sheer willpower was not enough to even bruise them.

A Day in the Night SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon