Hindi na Ikaw

6 1 0
                                    

Darating ang araw na hindi na ikaw,
Hindi na ikaw at kailangan nang bumitaw.
Darating ang araw na ikaw ay magiging nakaraan,
Isa na lamang alaala na biglang dadaan.

Tapos na ang araw na ang mga ngiti ay ikaw ang dahilan,
Tapos na ang araw na ang bawat kwento ay ikaw ang laman.
Hindi na ikaw ang aasahan at iiyakan,
Hindi na rin bisig mo ang sasandalan.

Sa aking pagbitaw na ang kapalit ay ikaw,
Sa pagbuo muli ng sarili sa bawat araw,
Walang dalang pagsisisi,
Nakatatak pa din na ikaw ay minahal hanggang sa huli.

Ang lahat ay hindi isang pagkakamali,
Sadyang ang oras at panahon ay maikli.
Hindi man ako at ikaw ang sa huli,
Ngunit naging daan ang isa't isa para mahanap ang ating tunay na huli.

jgieee

A Heart's Point of ViewWhere stories live. Discover now